ni Reggee Bonoan
NAPANOOD namin ang full trailer ng PInoy adaptation ng Korean TV series na 49 Days na ginawang Pure Love na pagbibidahan nina Alex Gonzaga, Yam Concepcion, Joseph Marco, Yen Santos, Matt Evans, at bnoong Biyernes ng gabi at talagang nag-trending kaagad ito worldwide.
Kaya pala kaagad kaming tinanong ng mga kaklase naming nasa Amerika kung kailan ang airing ngPure Love na hindi naman namin masagot dahil as of this writing ay wala pa.
At base sa napanood naming, mas magaling umarte si Alex kompara sa ate Toni niya dahil mas may lalim bukod pa sa mahusay din siyang magpatawa. Si Toni kasi mas gusto namin siya bilang komedyana.
Hmm, nahasa si Alex sa unang serye niyang Babaeng Hampaslupa na napanood sa TV5 at siBinibining Joyce Bernal ang nagdirehe.
At dahil dito ay sinugalan ng ABS-CBN si Alex dahil nakitaan na siya ng galing sa pag-arte.