Thursday , June 4 2026

Kathryn, nagpaayos daw ng cheeckbones (Pagbubuking ni Jane sa kaibigan)

ni Alex Brosas

STARLET Jane Oineza might be controversial.

Kasi naman, ibinuking ni Jane sa isang reality show na nagpaayos ng cheekbones ang amiga niyang si Kathryn Bernardo.

We were able to watch the unaired video (live tream) ng conversations ni Jane kasama ang ilang housemates na ipinost ng isang Facebook fan page site at naloka kami sa revelations ni Jane.

Nakita sa video na nagme-make-up si Jane while making chika with fellow housemates. Topic nila ang mga young idols nila sa showbiz. Mayroong isang teen na nagsabing gusto niya si Julia Barretto at mayroon namang nagsabing type niya si Kathryn.

Nauwi ang chikahan sa  tanungan. Napag-usapan ang sobrang kaputian ngayon ni Kathryn at say ng isang girl ay nag-gluta ito kaya pumuti.

‘Yung isang girl naman ay tinanong si Jane kung nagpaayos ng cheekbones si Kathryn. Pero bago ito sinagot ni Jane ng ”oo” ay ipinasara muna niya ang pinto.

In-explain naman ni Jane na noong bata pa lang sila ni Kathryn ay matangos na talaga ang ilong nito. Nahinto lang ang conversations nila nang biglang bumukas ang pinto at tinawag ang ilang housemates.

Naku, lagot si Jane nito kay Kathryn. Baka hindi siya maintindihan ng ka-love team ni Daniel Padilla. Baka marami ang magalit sa kanyang Kathniel fans dahil sa revelations niyang ito.

Anyway, kung true nga na nagparetoke si Kathryn ng cheekbones ay wala namang masama roon. In the first place, sariling pera naman niya ang ginastos.

At saka, sampu-sampera na ngayon ang mga artistang nagpaparetoke. Usong-uso na ang mga retoke sa celebrities natin ngayon. Lahat na lang yata sa mga artista natin ay peke—pekeng ilong, pekeng cheekbones, pekeng boobs, pekeng puwet.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

It’s just is. And we just are — Daniel sa pictures nila ni Kaila

MA at PAni Rommel Placente NAGBAHAGI sa kanyang Instagram page si Daniel Padilla ng mga litrato nila ng girlfriend …

Sheryl Cruz 2026 Model Mom Award Viva Cafe

Sheryl Cruz Model Mom 2026

MATABILni John Fontanilla ISA si Sheryl Cruz sa pinarangalan sa 2026 Model Mom Award na ginanap sa Viva Cafe …