Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sam, lagare sa Dyesebel at The Gifted, kaya enjoy kay Anne

ni Reggee Bonoan

HINDI na natutulog si Sam Milby at mukhang sa sasakyan na lang siya nagpapahinga dahil sa tuwing tatanungin namin ang Cornerstone staff na si Caress Caballero ay hindi raw niya napagkikita at nakakausap ang aktor dahil lagare sa tapings ng Dyesebel at shooting ng The Giftedna joint produce ng Viva Films at Star Cinema.

Monday, Wednesday, Friday daw ang taping ng Dyesebel at Tuesday, Thursday, Saturday naman daw ang shooting ng The Gifted at ‘pag araw ng Linggo na pahinga sana ng aktor ay nasa ASAP 19siya.

Base naman sa nakikita naming naka-post na pictures ni Sam sa tapings at shootings ay parang hindi pa naman siya nangangalong-mata kaya mukhang okay siya at enjoy na bisi-bisihan bukod pa sa isang linggo niyang kasama ang ex-girlfriend na si Anne Curtis na leading lady niya sa parehong project.

At kapag break sa tapings/shootings ay naggi-gitara si Sam habang kumakanta pampawala ng inip at antok siguro.

Samantala, excited na si Sam sa darating na Setyembre para sa intimate concert niya na gaganapin sa Samsung Hall, SM Aura, Taguig City.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …