Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jackie Rice, naihi sa sobrang kaba sa love scene kay Allen Dizon

ni Nonie V. Nicasio

BAGO para kay Jackie Rice ang kanyang mga ginawa sa latest film niya na pinamagatang Kamkam. Ito’y mula saHeaven’s Best Entertainment at showing na sa July 9.

Ginagampanan niya rito ang isang bar girl na ibinahay niAllen Dizon. Isa si Jackie sa tatlong asawa rito ni Allen, na gumaganap naman sa papel ng isang kingpin.

Isa sa aabangan dito ng moviegoers ay ang maiinit niyang love scenes kina Allen at Kerbie Zamora. Ayon kay Jackie, nagdalawang-isip siya bago tinanggap ang pelikulang ito dahil sa maiinit na eksenang kailangan niyang gawin.

“Dalawa ‘yung kaeksena ko rito na may intimate love scene. Kinabahan ako noong una, I mean parang hindi ako handa. So, pinag-isipan ko talaga kung dapat ko bang tanggapin at nangibabaw ‘yung gusto kong tanggapin ito. Unang-una, si Direk Joel Lamangan ito at hindi ko pa kasi siya nakakatrabaho. Pangalawa, maganda ‘yung istorya niya, I mean hindi siya basta-basta na magpapa-sexy ka lang. Pangatlo, maganda ‘yung casting.

“So sabi ko, I’m sure hindi siya lalabas na bastos. Kasi ang ganda ng kabuuan niya e. So hayun, napapayag ako. Ang love scene naman kasi, part din ‘yun ng normal na ginagawa ng tao e,” kuwento ni Jackie.

Aminado si Jackie na ito ang pinaka-daring niyang pelikula. Naikuwento rin niya kung paano siya nangatog sa kaba noong kukunan na ang love scene nila ni Allen, habang naka-plaster na ang maseselang bahagi ng kanilang katawan.

“Naka-plaster naman ako, safe naman. First time ko po ginawa iyon e. naiihi na nga ako e, ha-ha-ha! Ang hirap palang tanggalin niyon at nahihiya pa ako. Isa ‘yun sa mga nakatagal, kasi nahihiya pa ako. Kasi ‘di ba ilalagay nila iyon sa ‘yo? Hindi ko alam kung papaano siya ilalagay e. So, isa iyon sa nakatagal, kasi first time kong gawin ang ganoong eksena na kailangan mag-plaster.

“Ang pinakamahirap pala ay ‘yung tatanggalin, hindi pala iyong ilalagay ‘yung plaster. And siyempre, first time na ibang tao ang makakakita niyon, para ilagay iyong plaster, hindi ba? At nalaman ko na pinakamahirap pala ay iyong tatanggalin na, kasi ay masakit.

“E, naiihi na ako niyon, pero no choice ako e, tiniis ko na lang. Kasi, sa sobrang kaba kaya ako naiihi e, habang ginagawa ko ‘yung… Napi-feel ko siyempre yung pressure, kasi hindi ko naman iyon ginagawa talaga e. First time ko lang gumawa ng ganoong bagay.

“Tapos, (naisip ko) paano ako iihi, e may plaster, hindi ba? Kaya nakakatawa talaga e,” nakatawang esplika pa ng tisay na aktres.

Hindi ba naapektohan ang performance mo dahil kinakabahan ka at naiihi na?

“Hindi. Noong sumigaw na ng ‘Action!’ ay kinalimutan ko na lahat. Nang narinig kong take na, kung ano iyong karakter ko, dapat ay ganoon na ako.

“Hindi ko na inisip na naiihi na ako o kung paano ko tatanggalin iyong plaster. Focus na ako sa karakter ko, si Shane.

“Kasi, galing ako rito sa club na ibinahay ako ni Allen e. So, noong love scene na namin, ang inisip ko ay isa akong pokpok na palaban na ang dapat gawin ay paligayahin ‘yung lalaki, si Allen,” pahalakhak na sabi pa ni Jackie.

Dagdag niya, “Dito gusto kong i-prove na hindi lang ‘yun iyong makikita nila, hindi lang ‘yung pagka-daring ko, kundi ‘yung acting wise. ‘Yung lahat ng kabuuan ng movie, ‘yung aral ng pelikula… lahat, package siya kumbaga.”

Bukod kina Jackie, Allen, at Kerbie, ang pelikulang Kamkam ay tinatampukan din nina Jean Garcia, Sunshine Dizon, Emilio Garcia, Elizabeth Oropesa, Jim Pebanco, Joyce Ching, Lucho Ayala, Rita de Guzman, Hiro Peralta, Athena Bautista, at Zeke Sarmenta.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …