Monday , December 23 2024

Teleserye ni Maricel Soriano baka abutin lang ng one season (Inilampaso kasi nang husto sa rating ng The Legal Wife!)

 

ni Peter Ledesma

MUKHANG hindi magandang senyales na pilot episode pa lang noong June 2 ng kauna-unahang teleserye ni Maricel Soriano sa GMA 7 na “Ang Dalawang Mrs. Real” agad na silang pinakain ng alikabok sa rating ng “The Legal Wife” na magtatapos na ngayong gabi.

Imagine, hindi lang sa Kantar Media national ratings inilampaso ng The Legal Wife sa rating nilang 26.7% ang serye ni Maricel na nakakuha lamang ng 11.2%. Maging sa AGB Philippines na hawak na ng Kapuso ay lost rin si Maria. Well kapag nagtuloy-tuloy ang ganitong poor ratings ng show ay siguradong mapapadali ang pagkatigbak nito sa ere. Sayang ang galing pa naman daw ni Maricel sa kanyang teleserye at mga bigating artista rin ang kasama niya sa project. Siguro talagang hindi na panahon ngayon ng beteranang aktres kaya’t hindi na rin ganoon kalaki ang bilang ng mga manonoood sa kanya. Ito pa mandin ang big comeback ni Coney Reyes, matapos siyang mamahinga sa paggawa ng drama show, tapos kamalas-malasan ay nadamay pa siya sa kanilang bida.

The fading Diamond Star gyud!

PINOY NA HIV VICTIM- HUMPHREY GORRICETA MATAPANG NA HINARAP SI BOY ABUNDA SA “THE BOTTOMLINE”

Taon 1984 nang maitala ang unang kaso ng HIV o Human Immuno-Deficiency Virus at AIDS o Acquired Immuno-Deficiency Syndrome sa Pilipinas.

Mula noon, nadagdagan na ang bilang ng mga kaso at ilan sa mga biktima ay matapang na lumantad at naging mukha ng naturang sakit. Pagtungtong ng late 2000s, nagkaroon ng significant na pagtaas ang bilang ng mga taong may HIV/AIDS.

Sa datos ng NEC o National Epidemiology Center, ngayong April 2014, 393 ang naitalang kaso ng mga infected with HIV/AIDS at pinakamarami pa rin ang mga kalalakihang nasa edad 25-29 years old.

Bagay na ikinaalarma at nag-udyok sa Department of Health para painamin pa ang kanilang kampanya na HIV/AIDS awareness lalo na sa mga kabataan na may pinakamalaking bilang ng mga naitalang kaso.

Dolzura Cortez, Sarah Jane Salazar, Archie Rivero at Wanggo Gallaga – ilan sila sa mga naging mukha ng HIV/AIDS sa Pilipinas. At ngayong Sabado sa ‘The Bottom- line with Boy Abunda’, haharap ang isa pang Pilipinong may HIV – si Humphrey Gorriceta. Sa isang mapuso, malalim at matapang na panayam, ibinahagi ni Humphrey ang kuwento ng kanyang buhay bago at matapos niyang malaman na infected siya ng HIV. Aminado si Humphrey na hindi naging madali para sa kanya na tanggapin ang kanyang sitwasyon sa kabila ng tagumpay na kanyang tinatamasa sa buhay. Isa sa mga hamon na kanyang kinaharap ang pag-amin ng kanyang kalagayan sa kanyang pamilya.

Ayon kay Humphrey, ang kanyang paglabas at pag-amin sa publiko ng kanyang HIV infection ay paraan niya para mabigyan ng sapat na impormasyon at babalaan ang iba pang tao tungkol sa sakit at kung paano ito nakukuha. Naniniwala siyang importanteng magkaroon ng inspirasyon ang mga taong infected ng HIV para maipagpatuloy pa nila ang kanilang buhay.

Dagdag niya, hindi na ‘death sentence’ ang HIV di tulad noong unang panahon. Tatlong dekada matapos maitala ang unang kaso ng HIV/AIDS sa Pilipinas, nararapat lamang na gisingin muli ang kaalaman at kamalayan ng mga Filipino tungkol sa sakit na ito, bago pa maging huli ang lahat.

Mapapanood ang panayam kay Humphrey Gorriceta – Person living with HIV, ngayong Sabado sa ‘The Bottomline with Boy Abunda.’

Miles Ocampo, Inah Estrada, at Alyanna Angeles, bibida

“WANSAPANATAYM PRESENTS WITCH-A-MAKULIT,” MAGSISIMULA NA NGAYONG LINGGO

Bagong kwentong pampamilya ang ibabahagi sa TV viewers ng “Wansapanataym” ngayong Linggo, Hunyo 15, sa pagsisimula ng pinakabagong special na pinamagatang “Witch-A-Makulit.”

Pagbibidahan ito nina Miles Ocampo, Inah Estrada, at Alyanna Angeles. “Nakaka-excite po dahil first time ko na magkaroon ng role na mayroong superpowers,” pahayag ni Miles na gaganap bilang si Krystal, ang pangalawa sa tatlong magkakapatid na ipinanganak na may lahing mangkukulam.

“Pampamilya po talaga ang kwento nina Krystal, Jade (Inah) at Emerald (Alyanna) dahil bukod sa away-magkakapatid nila, siguradong marami rin po silang aral na matutunan tulad ng importansya ng pagsunod sa magulang,” ani Miles.

Para naman kay Inah, panganay na anak nina Janice de Belen at John Estrada, espesyal para sa kanya ang “Witch-A-Makulit” dahil ito ang kanyang kauna-unahang TV project.

“Sa totoo lang po, kinakabahan talaga ako sa expectations sa akin ng mga tao dahil magagaling na artista ‘yung mga magulang ko. Pero sa ngayon po, ine-enjoy ko lang ‘yung moment at nagpapasalamat na binigyan ako ng chance na makapagbigay-inspirasyon sa mga kabataan,” pahayag ni Inah.

Samantala, isa namang magandang learning exper ience para kay Alyanna na makasama sa isang “Wansapanataym” special.

“Masaya po ako na makasama sina Ate Miles at Ate Inah kasi marami po akong natututunan sa kanila,” sabi ng Kapamilya child star. Bahagi rin ng “Witch-A-Makulit” sina Benjie Paras, Malou Crisologo, Wilma Doesnt, Kristel Fulgar, CJ Navato, Jon Lucas, Nina Dolino, at Chienna Filomeno. Ito ay sa ilalim ng panulat ni Mariami Tanangco-Domingo at direksyon ni Lino Cayetano.

Huwag palampasin ang simula ng “Wansapanataym” special nina Miles, Inah at Alyanna ngayong Linggo, 6:45pm, bago mag-”The Voice Kids” sa ABS-CBN. Para sa karagdagang updates, mag-log on sa www.abs-cbn.com o sundan ang @abscbndotcom sa Twitter.

 

About hataw tabloid

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *