Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

The Best of Me Concert, espesyal para kay Mark!

AKMANG-AKMA ang titulo ng pinakabagong konsiyerto ni Mark Bautista, ang The Best Of Me Concert. Bakit ‘ika n’yo?

Imagine, for the first time, mapapanood ninyong sumasayaw si Mark na hindi naman niya karaniwang ginagawa. This time, sa June 21 sa Crowne Plaza Manila Galleria Grand Ballroom, hindi lang ang magagandang tinig ang mapakikinggan kay Mark, bagkus pati ang talent niya sa pagsayaw.

This is also his solo show at dahil “best”, ibig sabihin, hindi lamang ang pagiging magaling niyang performer ang makikita sa concert na ito gayundin ang pagiging producer niya. Bagamat aminadong kabado dahil first time lang nag-produce, ibinigay naman lahat ni Mark ang lahat para mag-enjoy ang manonood ng Best of Me Concert.

Opo, siya ang nag-produce ng The Best of Me kaya naman extra special ito para sa singer.

“On fire ako to do this concert,” aniya. “And I’m very excited to give my audience a great show.”

Iparirinig ni Mark ang kanyang mga classic hit songs gayundin ang mga awitin mula sa kasalukuyang album, ang The Sound of Love na naglalaman ng kanyang mga personal favorite standards.

Ani Mark, ang naturang album ay dream come true para sa kanya na nakapaloob ang magagandang awitin tulad ng That’s All at Bato sa Buhangin. At tiyak na talaga namang mai-inlove ang sinumang makaririnig ng kanyang album dahil kasama rin ditto ang mga awiting When I Fall In Love, Strangers In the Night, Kailangan Kita, All The Way, Love Without Time, Love Story, Till,at What A Wonderful World.

Ipinaliwanag ni Mark na, “Gusto ko magpakita na naman ng kakaiba,” patungkol sa kanyang dancing skills.

Hindi lang pagsasayaw ang sorpresa ni Mark sa mga manonood, marami pang surprises ang naghihintay. Special guests niya sina Sitti, Rochelle Pangilinan, at Kyla.

Para sa tickets you may call Ticket World at 891-9999. Ang The Best of Me ay handog ng Pink Management & Productions at Crowne Plaza Manila Galleria. Special thanks to Calayan Surgicenter.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …