Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Andrea, inaabangan ng mga kapwa bagets

 ni Reggee Bonoan

KOMPIRMADONG isa si Andrea Brillantes na nakilala nang husto sa seryeng Annaliza sa pinakamalakas ngayon sa mga bagets dahil inaabangan nila parati ang Wansapanataym kasama ang isa ring bibong bata na si Raikko Mateo.

Ang mismong katsikahan naming taga-ahensiya ang nagsabing maganda ang feedback na nakukuha nila kay Andrea kaya hindi na siya magugulat kung pagdating ng araw ay sisikat nang husto ang bagets.

Samantala, hindi mapapantayang sarap ng pagmamahal ng pamilya ang ipararamdam nina Andrea at Raikko na mapapanood bukas, Linggo (Hunyo 8) sa pagtatapos ng Wansapanataym special nilang My Guardian Angel.

Sa pagdakip ng isang sindikato kay Ylia (Andrea), gagawin ng guardian angel na si Kiko (Raikko) ang lahat upang mailigtas siya.

Paano mapoprotektahan ni Kiko si Ylia kung wala na ang kanyang super powers? Makababalik na ba si Kiko sa langit sa oras na isakripisyo niya ang sarili para kay Ylia? Sa huli, mararamdaman na ba ni Ylia ang matagal na niyang inaasam na pagmamahal ng kanyang mga magulang?

Bukod kina Andrea at Raikko ay kasama rin sina Mylene Dizon, Ejay Falcon, Ketchup Eusebio, Ruby Rubi, Gerard Pizarras, Abby Bautista, Racquel Pareño, Lui Villaruz, Dale Badillo, Jovic Susim, at Vangie Martell mula sa panulat ni Joel Mercado at direksiyon ni Jon “Sponky” Villarin.

Huwag palampasin ang ‘heavenly na pagtatapos’ ng Wansapanataym special nina Andrea at Raikko ngayong Linggo, 6:45 p.m., bago mag- The Voice Kids sa ABS-CBN. Para sa karagdagang updates, mag-log on sa www.abs-cbn.com o sundan ang @abscbndotcom sa Twitter.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

James Reid kathryn Bernardo Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel-Kaila ‘di nagpatalbog kina James-Kathryn

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING usap-usapan ang performance nina James Reid at Kathryn Bernardo sa katatapos na Christmas Special …

Angelica Panganiban Ellen Adarna

Angelica, Ellen nag-follow sa kani-kanilang IG, isasama pa sa GC

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AYAN na, nag follow na sa isa’t isa sina Angelica Panganiban at Ellen Adarna sa …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …