Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mag-amang Freddie at Maegan Aguilar kapwa biktima

ni Art T. Tapalla

HINDI tayo nagulat sa naganap na pagbaba-ngayan sa pamamagitan ng media ng mag-amang Freddie at Maegan Aguilar.

Sa mga naglabasang pahayag mula sa da-lawang kampo, merong hindi pagkakaunawaan ang mag-ama na sangkot ang bagong asawa ni Ka Freddie, na sana’y sila na lang ang nag-ayos at hindi na inilabas sa media.

Very unlikely para sa mag-ama ang masangkot sa ganoong senaryo dahil noong nasa Malate pa ang Ka Freddie, masyadong malapit ang music icon sa kanyang mga anak.

Katunayan nga, merong regular gig sa Ka Freddie ang kanyang tatlong mga anak na merong ‘special’ talent fee kompara sa mga re-gular talents ng nasabing watering hole.

Pagkatapos ng kontrobersiyang ito, ramdam ko ang tuloy-tuloy na pagkawala ng career ng sinasabing ‘alamat’ na mang-aawit.

Marami ang nagsasabing ang mag-amang Freddie at Maegan ay kapwa biktima ng mga pagkakataon at sila rin ang dapat na lumutas nito.

Bigla kong naalala ang naganap na ‘nakawan’ sa mansion ni Ka Freddie at sangkot ang pagkakulimbat ng kanyang mahigit P5 milyon na nakatago sa kanyang safety vault.

Tanda ko, walang naging closure sa nasa-bing krimen.

***

Nabanggit na rin lang ang pangalan ni Ka Freddie, bigla kong naalala ang kwento ng isang kaibigang mamamahayag.

“Alam mo bang, hindi si Freddie Aguilar ang totoong nag-compose ng ‘Anak’ na kanyang isinali sa First Metro Pop? Ang pinsan kong musikero na nakasama ni Freddie sa Olongapo ang gumawa noon. Nang marinig ni Freddie ang komposisyon ng pinsan ko, nagustuhan niya agad, kanyang kinombinsi na ipagbili sa kanya ang awitin at binayaran ng P10,000 ang pinsan ko. And the rest is history,” info ng kaibigan na hindi na nagpabanggit ng pangalan.

Well, naisalin na sa 29 lenggwahe ang awiting ‘Anak’, ito ang nag-akyat ng milyones sa lukbutan ni Freddie Aguilar at ito rin ang nagluklok sa kanya sa pedestal ng tagumpay sa larangan ng recording at nakapagpundar siya ng mga ari-arian sa Ilocos, Pampanga at iba pang lugar, bukod sa kanyang mansion sa Fairview, Quezon City.

Nakalulungkot dahil magwawakas ang ka-tanyagan ni Ka Freddie sa pamamagitan ng hindi pagkakaunawaan ng kanyang pamilya at malamang mababalewala ang kanyang maiiwanang ‘legacy’ sa industriya ng musika.

***

Sobrang pasasalamat ang ipinaaabot ng pamilya Magno-Taparan sa management, kay Dr. Celedonio Bruel at sa nursing staff na nagbigay ng todong alaga at pagmamahal nang ma-confine sa MCI si Mrs. Emma Magno-Taparan sa loob ng anim na araw sa RM 523.

Pagkilala sa kanilang mahusay na pagli-lingkod kay Angela Bernardo, head nurse; Staff Nurses — Mel Bryan Mendoza, Myra Camerino, Marco Asistores,  Edward Rodriguez, Katrina Ambalada, Krizzin Jane Silao, Mary Grace Palomares;

John Ervi Gabawa, Casselyn Miranda, Jennavi Delute, Ronnie Co,  Charles Dano, Christine Janda, Benjamin Olin at Miguel de Taza.

Ang MCI ay nasa Diversion Road, Palico IV, Imus City, may telepono (046)472-2229; 472-3987 to 89.

Ang pasasalamat ay mula kina La Salle Professor Ederlyn M. Taparan-Lumabi, Nurse Ellen M. Taparan-Cablayan (Vancouver Women and Children Hospital, B.C. Ca.;  at Chem. Engr. Eric Magno Taparan, at Kuya Eli Taparan, Imus City Information Office.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …