Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mommy Elvie, deadma sa hiwalayang Charlene at Aga; ‘di raw kasi totoo!

ni Reggee Bonoan

WALA kaming naramdamang kaba kay Mommy Elvie Gonzales na ina ni Charlene G. Muhlach sa nasulat na hiwalay na ang anak sa mister nitong si Aga Muhlach base sa mga naglabasang balita kahapon.

Say ni Mommy Elvie sa amin kahapon, “not true, bayaan mo na, basta happy sila.”

Naulit na ang tsikang ito kaya’t deadma na lang daw ang pamilya Muhlach dahil hindi totoo. Kinausap din namin ang kaibigan ng mag-asawang Aga at Charlene, “hindi naman naiiwasan na may tampuhan dahil normal sa mag-asawa kapag may discussion, pero ‘yung darating sa maghihiwalay, that’s impossible knowing Aga, napaka-family oriented niyan.

“Lumaki si Aga na hiwalay ang magulang niya kaya alam niya ang hirap na dinanas niya at ayaw niyang mangyari iyon sa kambal nilang sina Andres at Atasha. The kids were very smart and beautiful as well, tapos masisira lang?”paliwanag sa amin.

Sa ganang amin na ‘yung sinasabing magkahiwalay na raw ng kuwarto sina Aga at Charlene ay baka siguro ginabi ng uwi si Aga at sa guest room nakatulog ang aktor.

“Kaka-celebrate lang nila ng 14th year wedding anniversary last May 28,” sabi pa sa amin ng kaibigan ng mag-asawa.

Say namin kay Mommy Elvie, “okay na rin na may isyu, at least nasusulat sila, ha, ha,” at nag-thank you sa amin ng ina ni Charlene.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …