Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Istorya ng Maybe This Time, true to life kay Sarah?

ni Reggee Bonoan

TRUE to life ba ang role ni Sarah Geronimo sa Maybe This Time? Tungkol kasi sa first love ang istorya ng Maybe This Time na hindi nagkatuluyan noong una dahil hinarang ng nanay na baka raw kasi hindi kayang buhayin ang anak.

The usual kuwento Ateng Maricris na hahadlang ang magulang lalo na kapag nakitang hindi kayang buhayin ng manliligaw o boyfriend ang kanyang anak. Damang-dama kasi ni Sarah ang dialogue niya kay Coco na sobra siyang nasaktan noong nawala ang first love niya na ginagampanan nga ng aktor sa pelikula.

Si Rayver Cruz kaya ang nasa isip ni Sarah ng mga oras na sinasabi niya ang linyang iyon kay Coco? Alam naman ng lahat na si Rayver ang unang boyfriend ni Sarah na hindi nagtagal dahil hindi boto ang magulang niya lalo na si Mommy Divine. Sabi nga, first love never dies! Trulili kaya ito sa kaso ni Sarah maski na dumaan na sa buhay niya si Gerald Anderson at kasalukuyan naman niyang boyfriend si Matteo Guidicelli ngayon?

Samantala, nag-usap-usap kami ng mga katoto na sabay-sabay naming panoorin ang Maybe This Time sa unang araw ng screening at nangyari nga ito kahapon para personal naming makita kung kumusta ang resulta nito. Hindi kami fan ni Sarah, pero halos lahat ng pelikula niya ay napanood namin at aminado kaming gustong-gusto namin ang pelikula nila ni John Lloyd Cruz dahil cute at aliw kami sa takbo ng istorya dagdag pa ang mga kilig-kiligan ng dalawang bida.

Napanood din namin ang Catch Me I’m In Love nina Sarah at Gerald pero medyo naburyong kami dahil mabagal ang pacing at hindi kami masyadong natawa at kinilig dahil parang may wall that time, siguro nakabantay si Mommy Divine kaya conscious ang ex-lovers? At sa Maybe This Time ay relax na relax sina Sarah at Coco bilang sina Teptep at Tonio, hmmm baka naman kampante na si Mommy Divine na hindi liligawan ng aktor ang anak niya, ano sa tingin mo Ateng Maricris?

Maraming nakatatawang nakakikilig at nakaiiyak na eksena sina Teptep at Tonio kaya lalo na ang mga one-liner nilang MU na akala namin ay misunderstanding at mutual understanding lang ang ibig sabihin, marami pa pala na tiyak na magiging running joke na naman ito.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Alden Richards

Alden malabong magkadyowa  

MATABILni John Fontanilla MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng …

Vhong Navarro Darren Espanto Vice Ganda

Vice Ganda hulicam naghuhubad sa video nina Darren at Vhong

ni Allan Sancon TRENDING ngayon sa social media ang viral video nina Vhong Navarro at Darren Espanto habang nagsasayaw, …