Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kris, muntik ma-late sa A & A dahil sa pakikipag-dinner kay Derek!

ni Reggee Bonoan

SAYANG Ateng Maricris at hindi tayo tumuloy sa Dusit Hotel noong Miyerkoles sa presscon ng Miss Teen Earth presscon ni IC Mendoza dahil nakita sana nating magkasamang nag-dinner sina Derek Ramsay at Kris Aquino sa isang Japanese Restaurant doon.

Tinawagan kami kahapon ng aming source at ikinuwento na nakita niya sina Kris at Derek na pumasok sa Japanese Restaurant sa loob ng Dusit Hotel kasama ang magulang ng aktor. Balik tanong nga namin sa kausap namin kung paano niya nalamang magulang ni Derek ang kasama nila? “Eh, kamukha ni Derek ‘yung tatay niya, maputi lang at ‘yung mom din niya,” sabi sa amin.

Anyway, base pa sa kuwento sa amin ay masayang nagkukuwentuhan daw sina Kris at pamilya ng aktor na tinawag pa raw ‘mom and dad’ ng Queen of All Media ang magulang ni Derek, huh!

Ilang beses namang sinabi nina Derek at Kris na friends sila, ‘di ba Ateng Maricris? Pero bakit hindi na ipino-post ng TV host ang mga tsikahan nilang ganito ng aktor?

Tulad noong nagkasakit si Derek na dinalaw ni Tetay na hindi naman nito binanggit at nabasa lang namin sa Instagram ng aktor ang, “Thank you so much @krisaquino214 for visiting and for the gift. It was very sweet of you. You and my folks surprised me. Doc says I have pneumonia.”

At balita rin namin ay muntik ma-late si Kris sa live episode ng Aquino & Abunda Tonight noong Miyerkoles ng gabi dahil nga nanggaling siya sa dinner date nila ni Derek.

Dati kasi ay maaga siyang dumarating sa ABS-CBN bago magsimula ang A&A kaya pala pasado 10:00 p.m. na kami umalis ay wala pa ang Queen of All Media na segue sana namin siyang interbyuhin pagkatapos ng taping ng The Bottomline.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …