Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Movie ni Kris with derek, ‘di na tuloy (‘Di kasi muna nagpaalam bago nakipag-usap)

 ni Reggee Bonoan

SPEAKING of Deo T. Endrinal ay tinanong namin siya nina katotong Vinia Vivar at Ateng Maricris bilang isa sa manager ni Kris Aquino kung bakit hindi siya natuloy gumawa ng pelikula sa Regal Entertainment  kasama si Derek Ramsay.

Ang natatawang kuwento ni sir Deo, “nanguna kasi siya (Kris), hindi muna nagpaalam (ABS-CBN management) bago siya nakipag-commit sa Regal, eh, alam mo naman, dapat kasi ipagpapaalam mo pa ‘yan.

“May mga pirma-pirma pa, consent na pinapayagan siyang (Kris) gumawa (pelikula sa Regal), eh, nanguna, kaya hayan, hindi pinayagan.

“Pero kung ipinagpaalam muna niya, papayagan si Kris. Buti na lang hindi ako sumama, or else, baka pati ako napagalitan. Hindi kasi ako pumuwede that time, hayun, tumuloy siya,” kuwento ni sir Deo.

Ayon pa kay sir Deo ay matutuloy din naman ang project ni Kris sa Regal, hindi nga lang niya alam kung kailan.

Samantala, ang sinasabing pelikulang pagsasamahan nina Kris at Coco Martin na entry sa 2014 Metro Manila Film Festival ay ang ikalawang yugto ng Feng Shui na idinirehe ni Chito Rono noong 2004 na kumita ng P137-M.

Say nga ni sir Deo na pagkalipas ng 10 taon ay mapapanood ang part two at mga bagong hayop na naman daw na may kinalaman sa Feng Shui ang ipakikita sa pelikula.

“Itutuloy lang kung saan nagtapos ‘yung kuwento ng ‘Feng Shui’ rati,” sabi ni sir Deo.

At dahil natsugi si Jay Manalo bilang asawa ni Kris sa unang yugto ng Feng Shui kaya si Coco ang leading man ng Queen of All Media.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …