Thursday , June 4 2026
Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABIL
ni John Fontanilla

FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami ng regalong natanggap nito nang magtungo ng Dubai para mag-show sa mga kababayan natin doon kamakailan.

Hindi nga ini-expect ni Will na magiging sobrang mainit ang pagtanggap sa kanya ng mga kababayan natin na nagtatrabaho, habang ang iba naman ay naninirahan na sa Dubai.

Malaki talaga ang naitulong ng pagpasok nito sa PBB Collab 2025, dahil instant sikat ito hindi lang sa Pilipinas, kung hindi maging sa ibang bansa na mayroong Pinoy.

Post nga nito sa X bilang pasasalamat sa mga tumangkilik sa kanya sa Dubai, “Thank you for the warm welcome Dubai! Thank you sa gifts! Love you all! ” 

Binaha ng komento ang post na ito ni Will, at ilan dito ang mga sumusunod:

Aww thank you for coming kahit short visit lang. have a safe flight, love ka namin.”

“You deserve all the gifts and warm welcome. More to come! You did great nak! We love you too!”

Will  Yung  Last Gift namin sayo sa airport di mo na matanggap, hindi na kasya sa maleta mo sayang naman to, tapon ko na lang, eme , may next time pa naman . See you soon.”

“Sa susunod na balik mo sa Dubai mag sky dive na. You did great na namn sa performance mo kanina!”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …