Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ai Ai, nagpa-’pussykip

ni  Reggee Bonoan

“THE search is on,” ito ang birong sabi ni Ai Ai de las Alas kahapon sa presscon niya bilang Femilift endorser ngBelo Medical Group nang tanungin siya ng entertainment media kung sino ang gusto niyang maka-experience sa pagbabago ng kanyang pagka-babae.

Ang nasabing bagong procedure ng Belo ay non-surgical na para sa kababaihan na gustong magpasikip ng kanilang pussy kaya tinawag ito ni Ms A ng ‘pussykip.’

Pero noong kulitin siya ulit kung sino ang type niyang aktor na posibleng maging boyfriend niya ay nabanggit niya ang pangalan nina Enrique Gil, Dennis Trillo, at Gerald Anderson na kasama niya sa fantaseryengDyesebel.

“Kaya lang anak-anakan ko si Maja (Salvador) kaya  ‘wag na si Gerald kasi baka sabihin kinukursunada ko pa,”say ng komedyanang aktres.

Klinaro ni Ai Ai na hindi dahil dumaan siya sa Femilift procedure ay ibig sabihin ay maluwag na kundi, “gusto ko lang maging 20 ang feeling.  Actually, sabi nga ni doktora (Vicky Belo), maganda nga raw ‘yung ano ko, maayos kaya madali lang.”

At inamin din ni Ai Ai na, “woman on top ako, eh. Kasi ‘yun ang alam ko, roon ko nakukuha ang orgasm ko.  Kasi wala akong alam talaga kung paano, pagkasilang ko ng panganay ko, roon ko lang natutuhan, eh, mas gusto ko ang nasa top ako.”

At dahil tungkol sa vagina, pampasikip at kung ano-ano pa ang pinag-usapan sa presscon ay ipinagpaalam daw muna sa MTRCB ito at pumayag naman, “eh, kasi nga ‘di ba, puro pussykip, usaping medikal naman kaya okay na,” say sa amin ni Ms A.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …