Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bangs at Sam, may nakaraan?

 ni  Rommel Placente

MUNTIK na palang magkaroon ng relasyon noon sina Bangs Garcia at Sam Milby. Naudlot lang ito noong pumasok sa Pinoy Big Brother si Sam.

Nagkakilala ang dalawa noong pareho silang naging contestant sa Close Up To Fame ngABS-CBN 2.

“Exclusively dating kami ni Sam. Tapos bigla na lang siyang pumasok sa Bahay ni Kuya kaya ayun natigil na ‘yung date namin, nawalan ng kami ng communication. Tapos noong lumabas siya sa Bahay ni Kuya, biglang boom ang kanyang career,” pagbabalik-tanaw ni Bangs.

Magkasama sa seryeng Dyesebel na pinagbibidahan ni Anne Curtis sina Bangs at Sam. Napapag-usapan daw nila ang kanilang nakaraan.

“Magkaeksena kami lagi, eh. Pinag-uusapan namin tapos ayun nagtatawanan na lang kami lagi.”

“Love triangle kami nina Anne at Sam sa ‘Dyesebel’.

“Tapos ayun nga, magkakaeksena kaming tatlo lagi, nakakatawa, ‘di ba?”

Si Anne ay naging girlfriend ni Sam noon.

“Si Sam lang ‘yung guy na idi-nate ko from showbiz.

“Ay si Jake (Cuenca) rin pala, during ‘Palos’ time, sandali  lang ‘yun, one week lang ‘yun.”

Ang  Palos ay ang seryeng pinagbidahan noon ni Jake  Cuenca katambal si Bangs.

“Kasi kabi-break lang nila ni Roxanne (Guinoo). Feeling ko mahal pa rin nila ‘yung isa’t isa.

“So ako na ‘yung nag-back-out.

“Parang ang nangyari na lang tuloy, nagdi-date kami para lang mag-bonding at magkaroon ng chemistry sa ‘Palos’. Parang for chemistry purposes lang ‘yun.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …