Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Raymart, posible raw maaresto ‘pag napatunayang binubugbog si Claudine

ni  Alex Datu

BASE sa pinakahuling pangyayari ngayon sa kampo ni Claudine Barretto ay puwedeng sabihing isang tagumpay sa parte ng aktres at abogado nitong si Atty. Ferdie Topacio kapag na-serve na ang warrant of arrest kay Raymart Santiago dahil napatunayang binubugbog nito ang aktres.

Na-phone patch namin si Atty. Topacio, abogado ng aktres sa aming radio show sa DWIZ 882,Laughingly Yours Miss Mimi at ramdam namin ang ang kagalakan habang iniinterbyu siya. Mayroon itong kinalaman sa magandang balita tungkol sa natanggap nito mula sa piskalya ng Marikina na sasampahan na ng kasong physical abuse si Santiago under RA 9262 na tinatawag na Violence Against Women and Children Act.

Isang pagpapatunay na nagkaroon ng probable cause as in, may physical abuse na naganap o binugbog si Barretto ni Santiago kaya kinakasuhan ngayon ng kasong kriminal ang huli.

“Para sa amin ay malaking vindication po ito kasi noong idinemanda po namin si Santiago noong August 2013 ay wala pong tigil ang pagsasabi nito na si Barretto ay mapanggawa ng istorya, hindi raw niya sinasaktan, self-inflicted daw ‘yung tinamong mga bugbog o pasa ni Ms Barretto. Parang ipinahihiwatig na si Ms. Barretto pa ang nanakit sa kanyang sarili at sinasabing siya pa itong binubugbog ni Barretto.”

Nagagalak si Atty. Topacio ngayon dahil lumalabas na ang katotohanan na hindi gumagawa ng istorya si Barretto dahil totoo ang matagal na nitong isinisigaw na siya ay isang battered wife.

“Kapag isinampa sa hukuman at nagkaroon na ito ng pasya na gagawaran na ng warrant of arrest at maglalabas ang korte ng warrant of arrest at two counts po ito na physical abuse at hindi lamang isa.

“Since isang complaint ito, ang mangyayari ay pag-iisahin sa isang korte at isang kaso na lang po ito. Ang naging finding ay talagang sinuntok ni Santiago si Barretto.”

Dagdad pa nito, ”Sa ngayon, marami pa naman po kaming kasong hinahawakan for Claudine Barretto at nangunguna na rito ‘yung PPO o Permanent Protection Order ngunit may gag order po ito kaya hindi namin puwedeng i-discuss. Ang maaaring mangyari po rito kung ito ay maisasampa sa korte, ito ‘yung Violence Against Women and Children ay puwedeng isyuhan si Raymart ng warrant of arrest.”

Ang nasabing kaso ay bailable dahil hindi naman ito isang capital offense. ”What is important ay napatunayan ni Ms. Claudine na totoong isa siyang battered wife.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …