Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Fans ni Daniel na gustong manood ng Dos concert, nag-aaway-away (Dahil ubos na at wala nang mabiling tiket…)

 ni   Reggee Bonoan

DAHIL wala ng mabiling tickets para sa Dos Concert ni Daniel Padilla na gaganapin ngayong gabi sa Smart Araneta Coliseum ay nag-aaway-away daw ang mga taong naghihintay sa Big Dome?

Kuwento ng taga-monitor ng tickets, marami raw ang nagagalit sa takilyera sa Araneta Coliseum dahil ang mga ipina-reserbang ticket mismo ng mama ni Daniel na si Karla Estrada ay ibinenta ng hindi man lang ipinaalam.

Sold-out ang concert tickets ni DJ para sa Dos concert niya kaya muling nagbukas ng puwesto na puwedeng pagsingitan ng mga gustong manood ngayong gabi at dahil siguro nasilip ‘yung mga pina-reserbang tickets ng mama ni Daniel na marami pa ay hayun, ibinenta.

Kalakaran naman kapag malakas ang show at hindi pa binabayaran o nakukuha ang mga ipina-reserbang tickets ay talagang ibinibigay na iyon sa mga bibili lalo’t babayaran na kaagad.

Pati raw opisina ng Star Cinema ay nagkakagulo ang mga taong may kinalaman sa Dos concert dahil pati sila ay kinukulit kung saan pa makabibili o makahihingi ng tickets.

Ganyan kalakas si Daniel kaya naman kinaiingitan siya ng ibang leading man sa ABS-CBN, ‘di ba Ateng Maricris?

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …