Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Coco, naisingit ang movie with Sarah kahit ngarag sa Ikaw Lamang

ni   Reggee Bonoan

INAABANGAN ding mag-show si Coco Martin base na rin sa response ng tao sa kanya kapag may out of town at out of the country show siya.

Pero tila wala pang plano si Coco na mag-concert sa Araneta dahil mas type niyang mag-teleserye at mag-pelikula.

Lalo na ngayon na bisi-bisihan siya sa master seryeng Ikaw Lamang na kasalukuyang nangunguna in terms of ratings game na inilabas ng Kantar Media.

Oo nga naman kapag nag-serye ka, hindi ka makagagawa ng ibang show lalo na kung ngaragan ang tapings.

Kaya nga nagulat kami na nakatapos na pala si Coco ng pelikula kasama si Sarah Geronimo naMaybe This Time na idinirehe ni Jerry Sineneng na produced ng Star Cinema at Viva Filmsdahil paano niya naisingit ito?

Anyway, masaya ang Dreamscape Entertainment dahil consistent number one ang Ikaw Lamangsa loob na ng isang linggo.

Mabilis ang takbo ng kuwento kaya naman bawat gabi ay may nagaganap na pasabog kaya naman hindi mabitiw-bitiwan ng mga taga-subaybay.

Hindi naman nagpapatalo sina Jake Cuenca, Julia Montes, at Kim Chiu pagdating sa pag-arte dahil may kani-kanila silang forte.

Samantala, kinaiiritahan ang role ni Cherie Gil dahil nga kontrabida siya kina Tirso Cruz III atCherie Pie Picache at sina John Estrada at Ronaldo Valdez naman ay si Tirso ang gustong patumbahin dahil plano nilang hawakan ang bayan samantalang sunod-sunuran lang si Angel Aquino sa sinasabi ng asawang si John.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …