Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Manolo, paborito ng mga kapwa housemate sa PBB All In

ni   Reggee Bonoan

WALA pang isang linggong umeere ang Pinoy Big Brother All In ay paborito na kaagad si Manolo Pedrosa ng kapwa niya housemates?

Nang tanungin kasi ni Kuya ang ilang housemates kung sino ang gusto nila at masarap kausap ay iisa ang sinasabi, si Manolo, ang tinaguriang Wonder Son ng Quezon City.

Matagal na naming nakikita si Manolo dahil isa sa spinner ng SpinNation social media program na hino-host ni Jasmin Curtis Smith sa TV5 at balita nga namin ay crush siya ng dalaga.

Kaya pala madalas dumalaw si Sam Concepcion sa live show ng nasabing programa dahil knows niya kung ano ang mga tipo ni Jasmin, chinito tulad niya?

Sa pagkakaalam namin ay sa McDonalds Greenbelt nadiskubre si Manolo ng kanyang manager kasama ang mga barkada niya at tinanong kung type niyang mag-artista at heto, pasok na nga siya.

Kuwento ng taga-SpinNation, ”baby boy namin si Manolo kasi sobrang bait na bata at mahiyain. Sana manalo siya.”

Sa La Salle Greenhills nag-Aaral si Manolo at 3rd year high school na at base sa pagkakaalam namin ay ipinagpaalam na siya ng mommy niya sa school na kasali siya sa PBBAI.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …