Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Smokey, si PNoy ang peg kaya wala pa ring asawa?

ni  Reggee Bonoan

SI Presidente Noynoy Aquino ba ang peg ni Smokey Manaloto? Kasi hanggang ngayon ay hindi pa nag-aasawa ang komedyante.

Ito ang unang tanong namin sa Ate Gretchen Manaloto at manager na si Tita Ange dahil sa edad na 42 ay nananatiling binata at walang anak si Smokey.

Pero sabi naman ng ate ni Smokey, marami raw idine-date ang kapatid niya.

“Style kasi ni Smokey, kapag seryoso na siya, ipinakikilala niya sa amin, eh, so far wala siyang ipinakikilala sa ngayon. Pero alam namin may mga on the side kasi nagpapaalam ‘yan na sasabihin niya, ‘lalabas ako, ha’ at alam na namin ‘yun kung saan pupunta,” kuwento sa amin.

At ang ikinagulat namin ay kamakailan lang nahawakan ni Smokey ang kinikita niya sa showbiz.

“Alam mo ba sa edad na 36 ay at saka lang nahawakan ni Mokey ang pera niya? Kasi ‘yan, diretso sa nanay niya ang kinikita niya, eh, nasa Canada na parents niya, kaya siya na ang may hawak ngayon. Kaya marunong sa pera si Smokey, hindi naman madamot, pero marunong. Kaya nga maraming ipon,” pambubuking ng manager.

Eh, ano nga ba plano ni Smokey sa buhay niya?

“Ewan ko ba roon, pero alam ko may mga idine-date, baka lang namimili pa,” katwiran naman sa amin.

Samantala, kasama pa rin ni Smokey sa bahay niya ang kapatid at mga pamangkin kaya tinanong namin ang manager niya kung bakit hindi pa bumukod ang para magkaroon ng privacy.

“Eh, bakit siya bubukod, eh, sarili niyang bahay ‘yun at sama-sama silang lahat, eh, noong umalis na ang parents niya, siya na lang matitira kaya bakit siya aalis?

“Noong nag-asawa ate Gretchen niya, bubukod sana, eh, ayaw ni Mokey sama-sama raw sila. Ang sarap ng buhay ni Mokey, dahil pagkagising niya, may pagkain na siya handa na lahat, so bakit niya paaalisin ate niya na mahal na mahal siyang pagsilbihan at nandoon din mga pamangkin niya na mahal na mahal siya.

“Kung privacy ang pag-uusapan, nakalulusot si Mokey dahil nakakapagdala siya ng babae sa kuwarto niya, ha, ha, ha, ha.”

Kaya wala raw problema si Smokey sa buhay lalo na kapag walang taping ng Luv U o shooting ay walang ginawa raw kundi mag-golf.

“Sabi ko nga tigilan na kasi kapag naglalakad siya sa arawan, damit na lang nakikita, hindi na siya sa sobrang itim niya,” masayang kuwento ni Tita Angge.

Sa kabilang banda, isa rin si Smokey sa natutuwa dahil kasalukuyang humahakot ng pera ang Da Possessed ni Vhong Navarro na matagal na niyang kaibigan noong kainitan pa nila sa gimik at inuman.

Pero maski na matagal nang magkaibigan ay sa Da Possessed palang sila nagkatrabaho na hindi rin alam ng manager ni Smokey kung bakit ngayon lang din sila nagkasama.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …