Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

New hairstyle ni Kris, nag-trending (Mas bumagay daw at bumata)

ni  Reggee Bonoan

HETO na naman si Kris Aquino, talk of the town na naman ang bago niyang hairstyle na napanood ng netizens noong Lunes ng gabi sa Aquino & Abunda Tonight.

Dahil sa bagong hitsura ni Kris, nag-trending worldwide agad ito kaya trulili na maraming nanonood ng programa nina Kris at Boy Abunda.

Samantala, ang ilan sa mga nag-post, “@Emer Complido Honestly, Kris Aquino is so stunning with her new hair! I really love it! LOOOOOVE IT!

@KaesSorry, but I really have to say this! I like kris aquino’s new hair cut! Hahahaha

@DovenPitoyWanna go to barbershop and tell the barber “I want that kris aquino hair style!”

@DianaRoseVillegasThinking if I should cut my hair again like Kris Aquino’s. Low maintenance but so chic.

@JanickaaAstig nung buhok ni kris aquino!!!! Bumata sya ng mga 15yrs.”

Grabe Ateng Maricris, libo-libo ang komento sa hairstyle ng Queen of All Media kaya tinanong namin si Alvin Cagui na handler ni Kris kung kung ano ang tawag sa hairstyle ni Kris, “ay hindi ko alam kasi sila-sila (Kris at Jing Monis-hairdresser) lang ang nag-style, sabi lang ganito-ganyan ang gusto ko. Baka may ginayahan,” sagot sa amin.

At dahil sa pagbabagong anyo ni Kris ay tinanong ni Kuya Boy kung may pinagdaraanan ang co-host niya sa AA kaya nagpagupit.

Mabilis na sabi ni Tetay, “tapos na.” At dagdag pa, “time for a change.

“’Pag may pinagdaraanan ka, it’s appropriate. The shortest hair I’ve had since child birth. Oo, why not, ‘di ba? Kasi some men say that short hair is hot and sexy,” say ni Kris.

Iba ang gustong marinig na sagot ni Kuya Boy, “why can’t we not talk about it when people are watching you for the first time in your shortest (hair), sabi mo?”

Pero magaling umiwas si Kris, “I was not prepared to talk about that. I was only prepared to talk about my hair.”

At habang ginugupitan pala si Kris sa parlor ni Jing Monis ay nag-post na siya sa kanyang Instagram ng quote mula sa kilalang designer na si Coco Chanel ng, “A woman who cuts her hair is about to change her life.”  At sabay dugtong ng, “I cut off more than a foot, so I’m super ready for my life change!”

Samantala, tinanong namin si Alvin kung hindi ba makaaapekto sa ini-endosong shampoo ni Kris ang pagpapa-ikli niya ng buhok.

“Hindi naman, may buhok pa naman siya, ‘di ba?” sabi sa amin.

Hindi ba magagalit ang ad agency na may hawak ng shampoo ad ni Kris dahil hindi ba’t nasa kontrata na bawal magpagupit.

“Ay ewan ko, sina tito Boy (Abunda) ang may alam niyan,” sabi sa amin ni Alvin.

At ang sagot ni Kuya Boy sa amin, “wala pa naman nagko-complain but I don’t think it’s gonna be a problem,” katwiran sa amin ni Kuya Boy.

In fairness Ateng Maricris, maraming komentong nagsabi na magiging busy ang mga parlorlista ngayon dahil tiyak na ipapagaya ng mga customer nila ang bagong hairdo ng Queen of All Media.

Ikaw, type mo ring magpagupit?

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …