Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Fan na nagnakaw ng halik kay Daniel, katakot-takot na batikos ang tinanggap sa social media

ni  Reggee Bonoan

ANG babaeng nagnakaw ng halik kay Daniel Padilla sa ASAP 2014 noong Linggo ay nakatikim ng masasakit na salita mula sa sangkaterbang fans ng batang aktor na naka-post pa sa social media at nag-trending pa hindi lang sa Pilipinas maski sa ibang bansa.

May production number si DJ sa ASAP 2014 para sa promo ng nalalapit niyang birthday concert na may titulong Dos sa Smart Araneta Coliseum sa Abril 30, Miyerkoles.

Habang kumakanta si Daniel sa stage ay bumaba siya para kamayan ang mga fan na nakaupo sa harap ng stage at muling umakyat sa entablado ang batang aktor nang biglang umakyat ang dalawang babae at bumeso sa binatilyo kaya muling bumaba si DJ para pagbigyan ang iba pang hindi naka-beso sa kanya at doon nakasingit ang matabang babae na naka-stripe shirt na makahalik sa lips.

Katakot-takot na batikos ang inabot ng babaeng nakahalik at wala siyang pakialam sa mga parinig sa kanya ng mga supporter na nakapaligid sa kanya dahil para sa kanya ay nakaisa siya kaya maraming nagagalit.

Base sa post ng supporters ni Daniel sa social media, ”@interinoalliah: Grabe naman talaga. #RespectDJsLips @impalmawendy: Ang kay BERNARDO ay kay BERNARDO!=ØÞ ’#RespectDJsLips.,@CallMeMichaella: TO ALL FANS OUT THERE! #RespectDJsLips PLEASE? @TineKN: NO ONE ELSE COMES CLOSE TO YOU EXCEPT KATHRYN. lol. :3 #RespectDJsLips #DanielPadillaASAPEggciting @masarapnaGRahAM: omg baby ko 🙁 #RespectDJsLips @reykahreiks: i don’t think this should trend #RespectDJsLips it should be #RespectYourIdols

In fairness, may mga nagtanggol naman sa babaeng nagnakaw ng halik.

“@chelynhansonkim: #RespectDJsLips CHEEEH!!!! Insecure lang kayo,if i know you’ll do the same thing if there’s a chance.. mga ipokrita!!! hahaha.

@mivxnxs: What’s done cannot be undone. I think KathNiel fans should accept what happened and leave the girl alone. MasyadongOA eh. #RespectDJsLips

þ

@OhhPinoyQuotes: #RespectDJsLips Haha, madaming naingit.

@andimretard: #RespectDJsLips That girl is one hella lucky by “kissing

Dj” but surely facing BIG trouble from the other fans. #thinkbeforeyouact.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …