Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Luis at Angel, ‘di nagkikita dahil sa ngaragang taping ng The Legal Wife

ni  Reggee Bonoan

MARAMING  nagtatanong sa amin kung anong update kina Luis Manzano at Angel Locsin dahil wala raw balita ngayon sa dalawa kung kumusta na sila?

Base kasi sa mga napo-post na litrato sa Instagram ay sina Piolo Pascual, Marc Nelson, at ibang mga babae at kasama ni Luis sa out of town kaya iisa ang tanong ng lahat, nasaan si Angel?

Iyon pala, sadyang hindi talaga nagkikita sina Luis at Angel dahil mega-busy ang aktres na inaabot ng 17 hours sa tapings ng The Legal Wife at take note, Ateng Maricris, araw-araw iyon, huh?

“They need to advance their tapings dahil wala silang gaanong bangko. Ipa-pack up sila ng 5:30 a.m. at call time ng 9:00 a.m. same day, kaya isipin mo, ilang oras lang ang tulog nilang lahat?” sabi ng aming source.

Eh, hindi nga magkikita sina Angel at Luis niyan dahil imbes na magkita, eh, itutulog na lang ng aktres.

At ang binanggit na dahilan sa amin kaya ngaragan ang tapings ng The Legal Wife ay dahil sa nalalapit na kasal ni Jericho Rosales kay Kim Jones sa susunod na buwan.

Okay naman daw ang cast na makunan lahat ng eksenang kasama nila si Echo dahil humingi siya ng dalawang linggong bakasyon.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …