Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kontrata sa Kapamilya ni Robin, ‘di pa pinipirmahan

ni  Reggee Bonoan

PARANG mag gusto na lang ni Robin Padilla na manatili sa bahay nila ng asawang si Mariel Rodriguez dahil enjoy siya sa mga inihahandang organic food and juices.

Kuwento ng manager ni Robin na si Betchay Vidanes, hindi pa pinipirmahan ng aktor ang renewal contract nito sa ABS-CBN. “Gusto munang magpahinga ng lolo mo, masyado sigurong napagod noong nakaraang taon,” kuwento sa amin ni Betchay.

Parehong walang trabaho sina Robin at Mariel, paano ang pang-araw-araw nilang gastusin? Katwiran ni Betchay sa amin, “Eh, siguro nakaipon naman kasi hindi naman maglalakas loob na magbakasyon kung walang naitabi kasi marami rin siyang gastusin.

“At saka busy si Robin sa pelikulang ‘Bonifacio’, rito muna siya nagko-concentrate kaya ayaw muna niya ng TVshow.”

Oo nga, baka malaki ang naipon ni Binoe dahil paano niya mapagkakasya ang buwanang allowance ng mga anak, nagpagawa pa ng bahay para sa mga kapatid na Muslim at ang maintenance ng bahay sa Fairview, ang allowance na ibinibigay din niya kay Mommy Eva Carino, ilang kapatid na umaasa at ang gastusin din nila ni Mariel sa araw-araw?

Buti na lang daw at may mga nagre-renew pang product endorsement ang alaga niya. As of now ay ang pelikulang Bonifacio ang pinagkaka-abalahan ni Binoe na independent produce ng mga kaibigan niya. At dahil walang TV show si Robin ay si Jasmine Curtis Smith ang tinututukan ngayon ni Betchay na abot-abot naman ang pasalamat din sa kanya ng SPINNation host dahil marami siyang projects sa TV5 at endorsements.

“Kaya nga, sana hindi muna siya magseryoso sa lovelife kasi sayang ang opportunity, malayo pa ang mararating niya,” katwiran sa amin ng nasabing manager.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …