Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kathryn Bernardo, excited sa next movie nila ni Daniel Padilla

                  
ni  Nonie V. Nicasio

SINABI ng young star na si Kathryn Bernardo na excited na siya para sa next movie nila ni Daniel Padilla. After ng super hit na TV series nilang Got To Believe ng ABS CBN, magkasama ang dalawang hottest young stars ng bansa sa pelikulang She Is Dating A Gangster na hango sa best-selling na libro.

Sinabi ni Kathryn na hindi lang ito basta isang romantic comedy, kundi seryosong love story daw talaga ito. Kaya mas kikiligin dito ang sandamakmak na fans ng dalawa.

Nasabi rin ni Kathryn na normal lang na makaramdam sila ng pressure sa bawat project, pero iba raw itong next movie nila ni DJ.

“Siyempre hindi naman sa atin nawawala iyan. Pero ito kasing movie na ito, maganda iyong story kaya na-excite kami ni DJ. Kasi, mas parang nag-grow kami rito sa story and yung sa libro hindi naman namin inalis yung story niya, pero dinagdagan pa namin para mas mapaganda.”

Tila nauuso ang mga movie ngayon na hango sa libro. After ng Bakit Hindi Ka Crush ng Crush Mo? at Diary ng Panget, ngayon naman ay sasabak din ang Kathniel love team via She Is Dating A Gangster.

Anyway, isa pang rason kaya kaabang-abang ang next project nina DJ at Kathryn ay dahil ang direlyor nila rito ay si Direk Cathy Garcia-Molina na siya ring namahala sa Got To Believe. Kaya kabisado na niya kung paaano iha-handle sina Daniel at Kathryn at mas lalong kabisado na rin niya ang kiliti ng fans ng dalawang young stars.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …