Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Matteo, okey na sa ina ni Sarah!

ni  Alex Brosas

ANG daming natuwang fans nang makita sa social media ang photos nina Sarah Geronimo and Matteo Guidicelli na very romantic.

Kitang-kita sa mga larawan na kuha sa recent birthday party ni Matteo na magdyowa na ang dalawa, hindi lang nila ipinag-iingay.

Ang chika, kasama raw ni Sarah ang kanyang madir na si Divine when she attended the party. Siyempre, todo guwardiya si Divine sa kanyang dalaga.

Sa isang photo ay magka-holding hands ang dalawa. ‘Yung isa naman ay nakahawak sa batok ni Matteo si Sarah at parang may ibinubulong. Sarah also sang a song para sa birthday boy.

Marami ang kinilig sa photos na ‘yon. Finally, naipaglaban na raw ni Sarah sa kanyang ina si Matteo, nagwagi siya kahit paano.

Darius, tanggap na ang mga trahedyang nangyari sa buhay

NAGING malungkot ang buhay ng singer-actor-politician na si Darius Razon nang mawala ang dalawang anak sa magkaibang trahedya.

Si Darleen Gaye ay namatay sa sunog noong 1992. ‘Yung isa pa niyang anak na si Denver John ay namatay sa aksidente noong 2006.

Hinanapan ni Darius ng kasagutan ang kanyang mga katanungan noon. Hindi niya matanggap na sa tragic death nagtapos ang buhay ng dalawa niyang anak.

Now, kahit paano ay masaya na si Darius. Kung may umalis ay mayroong dumating. Ang dalawang anak ni Denver na sina Mikka at Monikka ang kanyang buhay ngayon, it was they who make him happy.

Kasi naman, parang reincarnation ng dalawa nina Denver at Gaye dahil kamukha-kamukha nila ang mga ito.

“Tanong ako ng tanong noon sa Diyos kung bakit, wala akong mahanap na sagot. Naging mahigpit ako kay Denver dahil takot na takot na akong mawala pa siya, nag-iisang anak ko na lang siya, pero kinuha rin siya sa akin,” kuwento  ni Darius kay tita Cristy Fermin sa Cornered by Cristy segment ng Showbiz Police, Monday to Friday, 4:00 p.m., sa TV5.

“Wala pang sagot hanggang ngayon ang mga tanong ko, pero ayoko nang magtanong pa uli, gusto ko na lang tanggapin ang mga nangyari sa mga anak ko, pero araw-araw na ginawa ng Diyos, iniiyakan ko pa rin ang pagkawala nila,” dagdag ni Darius na hindi napigilang humagulgol.

Tampok ang emotional interview ni Darius sa Showbiz Police sa loob ng tatlong araw, sa Cornered by Cristy ni tita Cristy.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …