Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Tambalang Nash at Alexa, made na!

ni  Reggee Bonoan

SAKSI kami kung gaano kalakas ang hiyawan ng fans sa love team nina Nash Aguas at Alexa Ilacad noong Linggo sa loob ng ABS-CBN compound.

Hindi namin alam kung ano ‘yung segment na nasa labas ng ASAP studio ‘yung mga bagets at may ilang fans na nagtitiyagang nanonood sa kanilang idolo sa gitna ng init ng araw.

May production number ang mga dating taga-Goin’ Bulilit na hindi namin kilala ‘yung iba pero sina Nash at Alexa lang ang napansin naming hinihiyawan ng lahat.

Made na nga ang magka-loveteam base na rin sa reaksIyon ng fans na sa ganito rin naman nag-umpisa rati sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, ‘di ba ateng Maricris?  At ngayon ay buong mundo na ang kasikatan ng KathNiel.

Kaya timing ang Inday Bote project nina Nash at Alexa mula sa Dreamscape Entertainment dahil inaabangan na sila ng supporters nila.

Kaya lang, parang baby pa yata si Nash? Kasi ng muli kaming mapadaan sa hallway ng ELJ building patungong old building ng ABS-CBN ay inabutan naming inaayos ng nanay niya ang polo bukod pa sa buhok nitong nakataas.

Hindi naman kasi namin nakitang inaayusan ni Karla Estrada ang anak nitong si Daniel ng damit at buhok.

Ha, ha, ha, ha, inintriga ko raw si Nash.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …