Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Celebrity Dance Battle pilot episode, pumalo sa ratings

ni  Reggee Bonoan

HANGGANG tenga ang ngiti ng kaibigan naming writer sa programang Celebrity Dance Battledahil nakakuha ng 2.8% ang pilot episode na umere noong nakaraang Sabado, Marso 23.

Nakausap naman namin ang TV executive ng TV5 at sinabing, ”happy ang management kasi after how many years ay at saka bumalik ang dance show ni Lucy (Torres-Gomez) ay inabangan pa rin.

“Siguro maraming nasabik kay Lucy na makikitang sumasayaw ulit, tapos nag-iisang dance show na palabas pa, ‘di ba? Halos lahat serye ang napapanood mo o kaya game at reality shows, siguro nagsawa na ang tao kaya gusto naman nilang maiba.

“’Yun din naman ang naisip namin noong ibalik namin ang dance show ni Lucy, walang dance show ang ABS-CBN at GMA kaya tiyak sabik ang tao sa ganitong concept at mukha naman based on the ratings.

“Mataas na ang 2.8% for a pilot sa TV5 kasi lahat halos ng nag-pilot dito, puro 1 or 1.5% lang except the ‘Confessions of A Torpe’, mataas talaga ‘yun till now. At ang nakatutuwa, maraming sponsors na pumapasok, same with this ‘Celebrity Dance Battle’, maraming inquiries na.”

At para malaman kung bakit naka-2.8% ang Celebrity Dance Battle ay panoorin ito tuwing Sabado sa TV5.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …