Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Non-showbiz guy, bagong inspirasyon ni Melissa

 

ni  Reggee Bonoan

AMINADO si Melissa Ricks na naka-move on na siya sa paghihiwalay nila ni Paul Jake Castillo.  Katunayan,  exclusively dating siya sa rati niyang schoolmate noong elementary siya sa OB Montessori sa San Juan City.

“Mga two months na akong nagdi-date ngayon kasi before talaga, hindi ako lumalabas, hindi ako nakikipag-date, nasa bahay lang ako, now okay na ako,” kuwento ng aktres.

“Dati ko na siyang kakilala kasi schoolmate ko siya sa OB Montessori 10 years ago, eh, nag-iba na ang hitsura niya kaya hindi ko siya nakilala noong ipakilala siya sa akin nina Bianca (Manalo) at Gretchen (Fullido).  Common friends ganoon,” dagdag kuwento pa ni Melissa.

Walang kinalaman daw sa showbusiness ang bagong inspirasyon ngayon ni Melissa, “wala, totally walang kinalaman kasi his business is into chain of restaurants, silang mga friend niya, sosyo-sosyo.  He’s a chef actually, bagets pa,” say ng dalaga.

Isinara na talaga ni Melissa ang puso niya kay Paul Jake na ang naging dahilan ng paghihiwalay nila ay career muna ang unahin, pero mahal pa rin daw siya ng binata na nagtayo rin ng sariling restaurant.

“’Yung kay Paul Jake kasi, ayoko ng umaasa ba, to hold on to memories, promises, ganyan.  I just want to grow-up na, twenty four (24) years old na ako.  I wanna go out, I wanna meet people, late bloomer kasi ako, hindi ako gumigimik, hindi ako umiinom, ang dami kong hindi ginawa, so now, I just want to enjoy.  Para kasing hindi ako marunong makisama, kasi from 14 years old kasi, hi and hello lang ako kasi bantay ako ng parents ko, very protective like bawal lahat,” kuwento ng aktres.

Dagdag pa, “Now, I’m responsible enough you know na hindi gagawa ng something stupid.”

Inamin din ni Melissa na good influence sa kanya ang guy na idine-date niya dahil, “ini-encourage niya ako mag-business kasi at a young age.”

Masaya ang aura ngayon ni Melissa hindi katulad noong huli namin siyang makatsikahan sa Honesto interview na punompuno pa ng angst sa buhay.

“Siyempre kapag marami kang pinagdaanang hindi maganda,” pag-amin naman ng dalaga.

Samantala, pahinga raw muna si Melissa pagkatapos ng Honesto, “vacation mode muna ako now, kaya heto, lahat ng events pinupuntahan ko muna like new Nikon camera launching, kasi gusto ko ring matuto ng photograpy, kasi Iphone lang ginagamit ko ‘pag kumukuha ng pictures. Gusto ko ng dslr kasi si Helga (Kraft), mayroon siyang dslr, ang ganda ng mga kuha, gusto kong matuto rin,”kuwento ng aktres.

Bukod sa vacation mode si Melissa ay magre-reduce muna siya dahil sinabihan siyang magpapayat dahil malaki siyang tingnan sa screen.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …