Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Career path ni Claudine, susundan ni Julia

ni  Reggee Bonoan

“EVERYTHING about her is  fabulous,I want to be  fabulous,” ito ang masayang sabi ni Julia Barretto nang tanungin siya sa Mira Bella presscon tungkol sa tita Gretchen Barretto niya.

Una munang natanong ang batang aktres kung kaninong career path ang gusto niyang sundan, sa tita Gretchen o sa tita Claudine Barretto ba niya?

“Honestly, sa tita Claudine ko po, ever since I was fan of all her teleseryes and movies all very nice, I was fan talaga of my tita Claudine. Kaya ‘yung career niya ang gusto kong sundan.”

At pagdating nga sa tita Gretchen ni Julia, “’di ba kahit nagta-trabaho siya, ang energy niya, go lang and she’s still beautiful no matter how tired she is, and mabait pa rin, generous, marunong makisama.”

Pinalakpakan nang husto si Julia sa magandang sagot niyang ito tungkol sa dalawang tiyahin niyang hindi magkasundo dahil sa mga ipinaglalaban nilang katwiran.

Supposedly kasi ay bawal tanungin ang dalaga tungkol sa pamilya, pero may lumusot at maganda ang pagkakatanong at in fairness, maganda nga ang mga sagot ng batang aktres.

Ito rin ang napansin namin kay Julia noong magkaroon siya ng solo presscon para sa Cofradia, wala siyang qualms sa pagsagot sa lahat ng isyu ng pamilya Barretto dahil isa-isa niya itong sinagot na wala siyang kinalaman sa gusot ng mga tiyahin at mommy Marjorie niya at maging sa tatay niyang si Dennis Padilla ay sinagot din niya.

Kaya nga namin nasulat na prangka at diretso na tila walang emosyon ang dalagita ng mga panahong iyon bagamat hindi rin namin naringgang gumamit ng ‘po’ at ‘opo’ ay maayos magsalita ang batang aktres at nakangiti hindi katulad ng ibang batang artista ngayon na porke’t may kaya at pinalaking conyo ay nawawala na ang galang sa nakatatanda.

Anyway, gagampanan ni Julia ang isang dalagitang hitsurang kahoy ang balat bunga ng isang sumpa na inampon nina Pokwang at John ‘Sweet’ Lapus na love-interest naman ni Enrique Gil.

Bukod kina Julia, Enrique, Pokwang, at John, kasama rin sina Liza Dino, Sam Concepcion, Mylene Dizon, James Blanco, Liza Diño, DJ Durano, Mika dela Cruz, Arlene Muhlach, Alora Sasam, at Gloria Diaz at special participation ni Dimples Romana na mapapanood na sa Marso 24, Lunes mula sa direksiyon nina Erick Salud, Jojo Saguin, at Jerome Pobocan handog ng Dreamscape Entertainment Television.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …