ni Reggee Bonoan
NGAYON lang pala gagawa ng teleserye sa ABS-CBN ang beauty queen turned actress na si Liza Dino bilang si Aster sa Mira Bella at nanay ni Sam Concepcion.Say ni Liza nang tanungn siya tungkol dito, “yes, I am very happy that I was given the opportunity and at least pagbalik ko rito, may work ding naghihintay sa akin, so I’m very happy that nandito na ako ulit.
“Naalala ko ‘yon, I was leaving for the States kasi nagde-decide ako if mag-stay lang ako rito for six months or babalik-balik,” saad niya.
Malaking bahagi sa desisyon niya ang payo ng kanyang girlfriend na si Aiza Seguerra, “sabi niya ‘you know, mahirap ‘yong half-hearted ka. Para dumating sa ‘yo ang blessings kailangan take the risks. Hindi rin ibibigay sa iyo ‘yong blessings kasi gusto mo sa States, gusto mo rito.’
“So sabi ko, sige pikit mata, I’ll stay in the Philippines. Alam mo two days after tinawagan ako ng manager ko to present and told me na mayroon akong show.”
So talagang blessing talaga.
“So siyempre malaking bagay sa akin na magkaroon ako ng trabaho rito na puwede ko sabihin na can sustain naman me here.
“Kasi it’s a big move from US to here. So I’m very thankful sa Dreamscape kasi since umuwi ako rito, siguro two months pa lang, kinausap na nila ako for this soap.”
Maski na rito na mannirahan si Liza sa Pilipinas ay kailangan pa rin niyang pumunta ng Amerika, “as a resident, I need to go back once in a while kasi may inaayos pa akong papers for my citizenship.”
At tungkol naman sa nalalapit na kasal nina Liza at Aiza sa Amerika, “between the two of us si Aiza ang maraming ideas.
”Ako siguro more on wedding preparations, mayroon lang akong wedding dress ganyan.
“Pero si Aiza sa aming dalawa siya ‘yong maraming pegs, maraming mga look ganyan. So we’re working with a good team, mayroon na kaming choices in terms ng mag-style ng wedding namin.
“If everything works out, maka-fly kami sa US for our own little ceremony there para ma-legalize ang wedding namin.”
Samantala, may nagtsika sa amin na nagkita raw sina Aiza at ex-husband ni Liza noong umuwi ng Pilipinas galing ng Los Angeles, USA para dalawin ang mag-ina.
“They look good together, the three of them, mukhang magkakasundo naman sila kasi lahat ng lakad kasama si Aiza. ‘Di ba kapag ganoon, may awkward moment? Eh, mukhang wala as in, parang matagal na nga magkakilala sina Aiza and the ex-husband, eh,” kuwento sa amin.