SASALUBUNGIN ng Ginebra San Miguel Inc. (GSMI) ang tag-init sa pamamagitan ng mga Ginuman Fest events simula ngayong Marso sa iba’t ibang lugar sa buong bansa.
Mapapanood ang Banda ni Kleggy sa nakatakdang Ginuman Fest sa Calapan, Mindoro sa Marso 21. Sa San Fernando, La Union naman sa Marso 28, mapapanood ang The Itchyworms, Kenyo, at ang 2013 Ginebra San Miguel Calendar Girl na si Georgina Wilson. Matapos nito ay darayo naman sila sa Batangas City sa Marso 29 sa isang Ginumanfest na kinatatampukan ng Kenyo, Banda Ni Kleggy, at ang Rocksteddy.
Pinaka-aabangan din ang iba pang legs ng Ginuman Fest 2014 sa Imus, Cavite (Abril); Tagudin, Ilocos Sur (Abril 4); Cauayan, Isabela (Abril 5); San Jose, Nueva Ecija (Abril 11); Bayambang, Pangasinan (Abril 12); Baliuag, Bulacan (Mayo 9); Bayombong, Nueva Vizcaya (Mayo 17); Tuguegarao, Cagayan Valley (Hunyo 14); Daet, Camarines Norte (Hunyo 19), at San Juan, Metro Manila (Hunyo 21).
Nasa ikatlong taon na ang Ginuman Fest na nagbukas sa Tondo, Manila noong Enero at sa Calamba, Laguna noong Pebrero. Nakisaya ang madla sa mga banda at Barangay Ginebra San Miguel players tulad nina Japeth Aguilar, Dylan Ababou, Jay-R Reyes, at Brian Faundo.
Ang Ginuman Fest 2014 ay hindi lamang isang musical event dahil marami rin itong mga palaro na may kaukulang papremyo. Maaaring tikman at makabili ng mga produkto ng Ginebra San Miguel, Inc. gaya ng GSM Blue, GSM Blue Flavors, Ginebra San Miguel Premium Gin, Gran Matador Brandy, Antonov Vodka, Magnolia Healthy Beverages at ang flagship product na Ginebra San Miguel gin na nagdiriwang ng ika-180 anibersaryo ngayong taon.
Ang Ginuman Fest 2014 ay isinagawa ng GSMI upang pasalamatan ang milyon-milyong kalahi na tumatangkilik sa Ginebra San Miguel bilang pinakamabiling gin sa buong mundo. Tumanggap ang Ginebra San Miguel ng ika-anim na Gold Quality Medal at pangalawang International High Quality Trophy ng Monde World Selection noong nakaraang taon. Napanatili rin ng Ginebra ang pagiging no. 1 gin sa buong mundo ayon sa Drinks International.