Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pagkabugnutin at pagka-antipatika ni Carla, gustong-gusto ni Geoff

ni  Roldan Castro

MARAMI ang nakapansin na lalong pumapayat ngayon si Geoff Eigenmann. Preparasyon ba ito dahil gusto na niyang magpakasal?

“Naku, papunta na roon..sabi,o! Ha!ha!ha! Hindi..no!,” bungad niya na sinabing wala pa raw sa plano.

Ayaw din niya ng sukob dahil magpapakasal daw ngayong taon ang kapatid niyang si AJ ganoon din ang isang kapatid ni Carla Abellana.

“Mahirap, double sukob ‘yan,” sey pa niya.

Ano ang reaksiyon niya sa sinabi ni Carla sa presscon ng Third Eye na sanay na siya kay Geoff na hindi siya pinadadalhan ng gifts o bulaklak at chocolates kapag Valentine’s day.

Totoo raw ‘yun  pero hindi naman totally na hindi siya romantiko dahil may mga moment din daw sila. Hindi nga lang daw sa specific day dahil minsan mahirap sa schedule.

“Kahit kailan puwede mo namang gawing special, eh!” hirit niya.

Pero  sa isang babae, parang importante ang V- Day. Sinabi niya na may plano talaga sila na mag-dinner pero last minute ay nakasenla. Binati naman daw niya at nagkita sila pero hindi natuloy ang dinner plan. Bagamat ayaw idetalye ni Geoff kung bakit nakansela, napag-alaman namin na may LQ sila.

Dugtong pa ni Geoff may, next year pa naman daw. Ngayon lang naman daw sila hindi nakapag-celebrate ng Valentine’s Day sa loob ng tatlong taon. Gaya rin last year, may taping daw si Carla kaya after two days at saka lang nila naipagdiwang ang Araw ng Mga Puso.

Kahit ngayon madalang daw silang magsama dahil gumagawa raw si Carla  ng dalawang pelikula at siya naman ay busy sa taping na four times a week ngayon at sa Subic pa ginagawa. Nandoon naman daw ang communication nila.

“Marinig ko lang ang boses niya,okey na ako,” sey ng actor.

Naungkat din ang pagiging antipatika ni Carla at parang nabugnot sa pagsagot noong presscon ng Third Eye. Sinasabi ni Geoff na nasanay na siya sa ganoong ugali ng katipan. Paglilinaw niya,  tina-try ni Carla na magpaka-sarcastic at maging funny pero unfortunately hindi niya naitawid at  nagiging masama ang dating. Pero isa ‘yun sa katangian ng girlfriend na nagugustuhan niya at nage-gets daw niya.

” I guess masasanay din kayo sa kanya. Kasi, alam kong ganoon si Carla and that’s one of her quirks,” sambit ni Geoff.

Luis, namahagi ng educational materials sa Cradle of Joy Foundation

MAKABULUHAN ang pagdiriwang ng Kapuso actor na si Luis Alandy ng kanyang kaarawan. Nag-share siya ng blessings sa mga estudyante ng Cradle of Joy Foundation  kamakailan bilang bahagi ng kanyang thanksgiving celebration.

Nagbigay siya ng book shelves, 100 pieces ng storybooks, colouring books, at crayons  sa mga estudyante ng naturang foundation.

Naniniwala  talaga si Luis sa values ng education kaya pinili niya na mag-celebrate ng birthday kasama ang mga nursery student.

“Sobra kong pinapahalagahan ang edukasyon kaya ginusto kong mag-celebrate dito kasama ang mga bata at kahit paano ay ma-inspire sila na mag-aral ng mabuti, pahalagahan ang edukasyon nila para sa magandang kinabukasan.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …