Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ex ni Christian Bautista, enjoy sa showbiz

ni  James Ty III

KAHIT naging masakit ang pakikipaghiwalay kay Christian Bautista, tila naka-move-on na ang stage actress at DJ na si Carla Dunareanu. Inamin ni Carla na mula noong naghiwalay sila ni Christian ay lalong dumami ang kanyang trabaho dahil gumawa na siya ng ilang mga stage plays at commercials.

Naging aktibo rin si Carla sa pagiging DJ ng isang FM station at pagiging host sa mga corporate show.

Sa aming pakikipag-uusap kay Carla sa pagbubukas ng isang bagong burger restaurant sa Makati, sinabi niya na naroon pa rin ang kanyang pakikipag-kaibigan kay Christian na naging karelasyon niya sa loob ng isang taon.

Nagkakilala sina Carla at Christian nang nag-taping silang tatlo ni Karylle ng programang The Kitchen Musical sa Singapore na roon nakabase ang pamilya ni Carla.

Wish din ni Carla na gumawa siya ng isa pang pelikula pagkatapos na isinama siya sa isang movie ng Regal Films na ang bida ay sina Jennylyn Mercado at Lovi Poe.

Nakatakdang lumipad si Carla patungong Los Angeles sa susunod na buwan para mag-shoot ng commercial para sa nasabing restaurant.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …