Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

PNoy, tutulong daw kay Michael sa 2018

Ed de Leon

NATAWA kami roon sa sinabi ni Secretary Sonny Coloma, na hinanap daw nila ang e-mail ng nanay ni Michael Christian Martinez, pero hindi raw talaga nakita iyon sa Malacañang. Baka raw nakasama sa spam. Pero sinabi niyang sumusuporta pa rin sila kay Michael, at tutulong sila sa pagsali niyon sa susunod na Winter Olympics sa 2018.

Pero hindi ba nakatatawa iyon dahil sa 2018 ay hindi na presidente si PNoy at tiyak wala na rin naman sa Malacañang si Coloma. Paano pa nila nagawa ang pangakong iyon?

Bilang suporta, binigyan naman agad ng negosyanteng si Manny Pangilinan ng $10,000 si Michael bilang incentive sa magandang ipinakita niya sa Sochi, Russia. Nabawasan tuloy ang pagkainis namin sa bulok na internet service ng PLDT at sa nalalapit na strike ng mga manggagawa sa TV5, na nagrereklamong ang laki ng gastos sa building, sa talent fee ng mga artista, pero hindi madagdagan ang kanilang sahod.

Sana nga may mga tumulong pa kay Michael para sa susunod niyang bid. Iyong mga wala na sa puwesto by that time, huwag nang mangangako.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …