Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Toni Gonzaga, nailang sa pakikipaglampungan kay Piolo Pascual

ni Nonie V. Nicasio

IBANG Toni Gonzaga ang mapapanood sa pelikulang Starting Over Again na unang pagtatambal nila ni Piolo Pascual mula nang gumawa sila ng softdrink commercial noong 2011. Ang pelikulang ito na mula sa pamamahala ni Direk Olivia M. Lamasan ang maituturing na pinaka-daring sa lahat ng pelikulang ginawa ni Toni.

Maraming first time na ginawa rito si Toni na tiyak na mapapansin ng viewers, lalo na ang kissing scene at love scene nila ni Piolo. Pero nilinaw ni Toni na hindi niya forte talaga ang mga ganitong eksena. “Hindi ako gumagawa ng mga ganoong eksena just for lust, just for showing skin… Hindi naman iyon ang forte natin. Kahit paano may touch pa rin ng comedy.”

Idinagdag pa ng versatile na aktres na iba raw siya kay Piolo. Dahil si Piolo, kapag naghubad ay seksi talaga. Samantalang siya raw, kapag naghubad ay may timplang katatawanan pa rin.

Ayon pa sa aktres, ito ang pinakamahirap at pinaka-challenging na pelikulang nagawa niya. “Napakanahirapan ako sa tanang buhay ko, ngayon lang ako na-challenge ng ganito. Parang magre-retire na ako after,” nakatawang pahayag ng versatile na aktres/TV host/singer.

Sa panayam naman kay Toni sa The Buzz ng Bayan noong Linggo, inamin niyang nahirapan daw siya sa karakter niya rito dahil hindi siya ganoong babae. “Sabi ko kay Inang (Direk  Olivia), ‘Inang, hindi ko kayang gawin ‘yung ibang eksenang pinapagawa mo kasi hindi naman ako ganoong kadesperada sa totoong buhay.’”

Ipinahayag din ni Toni na sa kanilang love scene rito ni Piolo, ilang beses siyang sumablay dahil sa sobrang pagkailang at dahil hindi raw niya alam talaga ang kanyang gagawin.

“Maraming beses… iyon ang sinasabi ko kay Inang. ‘Inang hindi ako marunong mag-love scene. Ano ba ang gagawin sa love scene?’” nakangiting saad ni Toni.

Sinabi pa ni Toni na humingi pa siya ng advice sa dating co-stars sa Four Sisters and a Wedding na sina Bea Alonzo at Angel Locsin hinggil sa tamang paraan ng pakikipag-love scene.

Sa kabuuan, ang mga eksenang ito nina Piolo at Toni ay nagpadagdag sa kilig sa mga manonood base sa reaction ng marami sa teaser ng pelikula nila. Idagdag pa rito na sa February 12 ang playdate ng Starting Over Again at Valentine’s Day na sa Friday, kaya siguradong after ng blockbuster na movie nina Kim Chiu at Xian Lim na Bride For Rent, ang pelikulang ito nina Toni at Piolo naman ang susunod na hahataw nang todo sa takilya.

Xian Lim, bumawi kay Bea Binene

BUMAWI si Xian Lim kay Bea Binene nang padalhan niya ang aktres ng mga bulaklak na may kasamang sulat na humihingi ng paumanhin dito.

Ito ang nakalagay sa sulat ni Xian sa young actress:

“Hi Bea!

“I just want to apologize for what happened during Chinese New Year. I want you to know na I didn’t mean it as an insult noong banggitin ko ang pangalan mo. Thanks po for understanding & sorry for everything.

Matatandaang nadawit si Bea sa isyung kinasangkutan ni Xian at ng Kim Chiu Kalokalike na ang pangalan pala ay Charmae Viking nang bumanat ng mga birong wala sa lugar ang Kapamilya actor sa live episode ng Banana Nite noong January 30. Dahil sa insidenteng ito, pinutakti ng batikos si Xian.

Mabuti naman at nag-sorry na si Xian kay Bea. Pero ang hirit ng ilang netizens, dapat daw ay mag-sorry din si Xian kay Charmae, na para sa akin ay tama lang din naman.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …