ni Alex Brosas
OBVIOUSLY ay napikon si Heart Evangelista when two of her followers sa Twitter took turns in bashing her.
“Nakaka-_ _ _ _ mag-interview si heart evangelista! Di man lang mag workshop bago mag host! Te paturo ka kay toni gonzaga o kay kris aquino,” say ng isa after her interview with Deniece Cornejo last Sunday.
One guy agreed and said, ”hahahaha. teh totoo naman eh. ang sakit mo sa bangs mag-interview.”
“Sino ba kasi naglagay sau sa startalk? di ka naman kasi host eh. kailangan laging may teleprompter? haha. teh sa susunod kasi kabisaduhin na yung mga tanong. umarte ka na lang. leave startalk,”dagdag pa ng second guy.
Hindi napigilan ni Heart ang sarili at tinarayan ang dalawa.
“Kaw nalang mag interview next time:) galing mo eh:),” sabi niya.
Jake, ‘di totoong mabaho ang hininga
PARANG wala namang katotohanan ang nasulat sa isang Facebook fan page na mabaho ang hininga ni Jake Cuenca.
Noong una ay blind item ang pagkakasulat about a hunk actor at later on ay pinangalanan na nga siya.
Hindi kami naniniwala na may bad breath nga itong si Jake kasi in the few instances na nainterbyu namin siya ay wala naman kaming naamoy na masangsang mula sa kanya.
Baka naman may nang-iintriga lang sa kanya. Mayroon sigurong naiinggit sa kanya kaya siya sinisiraan. Alam mo naman dito sa showbiz, uso ang siraan.
Direk Frasco, dapat ding mag-sorry kay ‘Kim Chiu’
NAPILITAN siguro ang Banana Nite director na si Frasco Mortiz na mag-explain sa controversial pambabastos issue ni Xian Lim sa isangKim Chiu lookalike.
“Received some tweets about the issue regarding Xian Lim and Kim’s Kalokalike on ‘Banana Nite’s’ Chinese New Year coverage,” sabi niya sa kanyang tweet.
Inamin naman niyang, ”it was a gimmick for Xian’s song number, we wanted to surprise him with Kim’s Kalokalike.”
‘Yun nga, wala ngang alam ang favorite leading man ni Kim and ”Xian’s reaction wasn’t scripted.”
“I’m sure Xian didn’t mean any harm with his remarks and jokes on stage. Nag-apologize na rin siya, kaya okey na ang lahat. We apologized to Charmaine after the segment. She told our staff it was ok and understood the fact na hindi lang nasakyan ‘yung gag kaya sana, huwag na palakihin ang issue.”
Hindi naman pinalalaki ang issue kay Xian. It was just treated like an ordinary story of his pambabastos. Actually, may history na siya ng rudeness. Noong una si Jobert Sucaldito ang binastos niya and now the Kim Chiu lookalike.
Ang dapat mag-sorry dito ay si Frasco rin kasi inilagay niya sa alanganin si Xian sa kanyang show. Ayun, hindi nakontrol ni Xian ang kanyang sarili at nabastos niya ang dalaga.
Glaiza, nasapawan ni Tess Bomb
WATCHED Cattleya, an indie film starring Glaiza de Castro and Gerald Madrid.
Glaiza played an OFW na nagtrabaho sa Hong Kong who eventually became a drug mule.
Ang galing-galing niya sa drama parts ng movie lalo na roon sa eksena niya with Gerald. Tamang-tama lang sa kanya ang role dahil nabigyan niya ito ng justice.
Magaling din si Gerald bilang pabayang mister ni Glaiza. We hope na mabigyan siya muli ng break maski na sa television lang.
Nakaw-eksena naman palagi si Tess Bomb na kasama ni Glaiza sa Hongkong bilang domestic helper. Parang tinalbugan niya si Glaiza sa ilang eksena, talagang kuwela siya sa audience.
Pero may mga scene na medyo OA ang kanyang acting.