Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Gian, sapaw na sapaw kay Franchesca (Sa search for Mr. And Ms. Sogo Ambassadors)

ni  Roland Lerum

SINA Victor Basa at girlfriend niyang si Divine Lee ang naging emcess sa search for Mr. And Ms. Sogo Ambassadors na ginanap sa Elements of Centris kamakailan. Hindi lang pala magaling na actor si Victor kundi mahusay din pala siyang emcee. Hindi naging boring ang buong event sa kanila ni Divine.

Plus, nagbigay naman ng entertainment numbers sina Gian Magdangal at Franchesca Farr. Kaya lang sa duet nila, nasapawan ni Franchesca si Gian. Mas malakas at mataas kasi ang tinig niya. Pansin na pansin na mukhang payat si Gian ngayon. Tanggalin na lang sana niya ang balbas at bigote dahil hindi bagay sa kanya. Mas type namin ang dating clean cut.

Sa naganap na search, ang nagwagi bilang Ms. Sogo Hotel Ambassadress ay si Glaiza Sarmiento ng Makati City. Twenty three lang siya at may taas na 5’5″. Ang motto niya ay, “Life is an echo, what you give is what you get.” Gusto niyang maging isang Psychiatrist balang araw kaya naiintindihan niya ang mga transgender.

Si Vince Vargas naman, 20 years old, ang nanalong Mr. Hotel Sogo Ambassador. Taga-Malabon City naman siya at may taas na 5’8″. Sabi niya: “The difficulties in life don’t come to destroy you but to help you realize your hidden potential.”  Tuwing umaapir si Vince sa stage, maraming tumitili at pumapalakpak. Akala tuloy namin, marami siyang dalang “pala”. Pero sabi naman niya, marami lang siyang supporters at friends.

Feeling naming, kung si Victor ay sumali sa contest, tiyak ang panalo niya. Mas pogi sa personal ang actor. Huli namin siyang napanood sa My Husband Lover’s bilang gay friend ni Dennis Trillo. Sa totoong buhay, sabi naman niya, hindi siya bading. Marami nga raw bading ang patay sa kanya. Ayaw pa niyang sabihin kung kailan sila pakakasal ng girlfriend niyang si Divine. Kailangan daw paghandaan munang mabuti ang kasal. “Kailangan ng kaunting ipon pa,” sabi niya.

Sa naturang contest pa rin, wagi bilang first runner-up sina Paul Andrew Belmonte at Sandra Ramos. Second runner up sina Rendon Eligino Labador at Avi Karlyn Pascual. Third runner-up sina Reamark Reduccion at Bernadette Melissa Paez.

Book of Love, pre-Valentine concert nina Michael at Prima Diva

BONGGA tiyak ang pre-Valentine concert ng mga alaga ni Kapatid na Jobert Sucaldito na sina Michael Pangilinan at Prima Diva Billy, ang Book of Love sa February 12, 10:00 p.m. sa The Library (Metrowalk Ortigas).

Paano naman, kina Michael at Prima Diva pa lang, sulit na sulit na ang pakikinig ng mga magagandang musika, idagdag pa riyan ang mga guest nilang sina Duncan Ramos, Luke Mejares, Paolo Santos, Chef Anton, Token Lizares, AJ Tamiza, at Le Chazz.

Kaya mga kapatid, go na kayo sa February 12 sa The Library dahil tiyak na mag-eenjoy kayo Book of Love. Kitakits po.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …