Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Dyesebel, sa Coron Palawan ang taping

ni  REGGEE BONOAN

NAKAPAG-FIRST taping day na ang Dyesebel sa Coron, Palawan noong weekend at kasama sa nasabing taping sina Anne Curtis, Gerald Anderson, Markki Stroem, at Sam Milby.

Hindi kaagad nakapag-umpisa ng taping ang grupo dahil malakas daw ang hangin at nagtatago pa si Haring Araw kaya naglibot-libot muna sina Anne at Sam sa magandang view ng Coron at nagpa-picture pa.

Bukod dito ay naligo rin ang grupo sa hot spring doon kaya work with pleasure ang nangyari sa Dyesebel taping.

Ayon sa kuwento sa amin ng taga- Dos, “sobrang pinaghahandaan talaga itong ‘Dyesebel’ kasi kita mo, malaking gastos ito, ang laki ng budget dito at hindi dadayain.”

Sa tanong namin kung kailan ulit ang balik nila sa Palawan, “wala pang definite schedule kasi inaayos pa rin kung kailangang mag-stay doon (Palawan) o pupunta lang every weekend.   Mas magastos kasi kung pupunta-punta lang.”

Samantala, parehong walang pahinga sina Anne at Sam dahil pagkatapos nilang mag-shoot ng Dyesebel ay segue naman sila sa pelikulang The Gift na sila rin ang magkasama plus Cristine Reyes mula sa Viva Films at Star Cinema na ididirehe naman ni Cris Martinez.

Nakita namang nasa Gold’s Gym, Eastwood, Quezon City kahapon si Sam habang nagwo-work out with Gerald Anderson.  Pero shooting daw iyon ng The Gift, sabi ng aming espiya.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …