Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Honesto, nangunguna pa rin sa primetime!

KOMPIRMADONG Honesto ni Raikko Mateo pa rin ang nangunguna sa primetime dahil ang mga katapat nitong programa sa ibang TV network ay hindi man lang makatapat sa ratings game.

Katulad noong Huwebes (Enero 30) sa Urban, Rural, Mega, at Metro ratings ay nakamit ng Honesto ang 35.1%/33.9%/36.7%/26.7%/28.7% samantalang ang Adarna ni Kylie Padilla ay nakakuha lang ng 15.2%/16.6%/13.2%/18.3%.

Noong Biyernes (Enero 31) ay nagtala ang Honesto ng 30.7%/29.6%/32.1%/23.3%/25.5%  at ang Adarna ay 13.6%/14.9%/11.7%/15.8%.

Bukod sa Honesto ay nangunguna rin sa slot ang Got To Believe nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo dahil wala na yatang ginawa ang loyalistang supporters ng dalawa kundi i-post sa social media ang bawat eksena ng dalawa.

Kaya kapag hindi namin napapanood ang Got to Believe ay iniisa-isa naming basahin ang post ng KathNiel fans sa Twitter para masundan namin ang kuwento na tulad noong Lunes ng gabi na nahuli na si Chichay (Kathryn) ng dalawang kasambahay nina Daniel.

Mahigpit pa namang ipinagbabawal ng ina ni Joaquin na Ryan na ngayon na si Carmina Villaroel na bawal makipagkita si Chichay sa anak niya na hindi naman sinunod ng dalaga dahil nga namasukang artist ang dalaga sa project ng binata.

Anyway, panay ang worldwide trending ng Got To Believe kaya siguro naman ay hindi pagdududahang talo nito ang katapat na programa sa GMA 7 at TV5.

Speaking of Got To Believe, hanggang Marso na lang pala ito, say mismo ng direktor nitong si Cathy Garcia-Molina at wala pa siyang alam kung mai-extend ulit ito dahil wala naman daw abiso pa ang management.

ni  REGGEE BONOAN

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …