Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kris, effective na endorser (Lumalakas ang mga restoring itinatampok)

ni  Reggee Bonoan

NAALIW naman kami sa kuwentuhang narinig mula sa mga nanggaling ng Dubai na ginanap ang ASAP at taping ng Kris RealiTV ni Kris Aquino dahil super sikat pala ang headwriter/blogger na si Darla Sauler.

Yes ateng Maricris, nagtatawanan ang ilang taga-Dos nang pagkuwentuhan nila ang kasikatan ni Darla dahil sa rami ng nagpapa-picture at talagang sinusundan daw siya maski saan magpunta para magpapirma at magpa-picture.

Tinanong nga agad namin kung kasama ba ni Darla si Kris dahil ano kaya ang naging reaksiyon ng TV host na pinagkakaguluhan na ang kanyang headwriter sa Kris RealiTV?

“Okay lang naman kay Kris, kasi marami ring nagpapa-picture sa kanya, kaya lang hindi mo ini-expect na pati si Darla ay dudumugin, nakakatawa lang,” say sa amin ng taga-Dos.

Eh, paanong hindi sisikat si Darla, bukambibig ni Kris sa programa niya ang pangalan ng headwriter cum assistant niya at take note, nakukunan pa sa TV camera si Ms. Sauler kaya paanong hindi siya makikilala sa ibang bansa.

At halos lahat ng biyahe ni Kris ay ka-join si Darla na naka-post sa Instagram ng TV host na maraming followers bukod pa sa ibang social media account nito.

Sabi naman ng kausap namin, “in fairness, lahat ng nakadikit kay Kris, sumisikat at lahat ng napi-feature na restaurant sa ‘Kris TV’, sumisikat, lumaki ang sales.

“Ibang klase mag-promote ang lola mo, maski na maraming nagne-nega, marami siyang followings,” paliwanag sa amin.
Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …