Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Nora Aunor, bilib sa galing ni Coco Martin

HINDI naitago ng Superstar na si Nora Aunor ang paghanga niya kay Coco Martin nang makatrabaho niya ang Kapamilya actor kamakailan sa pelikulang  Padre de Familia ni director Adolf Alix Jr.

Aminado si Nora na si Coco ang male version niya dahi sa husay ng actor. Kaya naman nasabi ni Ate Guy na sa kanilang mga madramang eksena ni Coco ay siya pa ang nate-take-two kung minsan.

“Magaling na artista si Coco. May eksena nga kami niyan, sa galing niya, ako ang na-take two!”

Ibinida pa ng Superstar na minsan naman daw ay may isang eksenang nailang siya of sort dahil sa presence ni Coco. Kaya kinailangang umiskiyerda muna ng actor para makapag-concentrate ang Superstar.

“May eksena din kami na iiyak ako, iyon ang kinukunan ni Direk. Eh nanonood ‘yung anak (Coco) ko. Hindi ako makaiyak talaga, sa totoo lang. Hindi ko makuha ‘yung pinapagawa ni Direk, kaya umalis muna siya,” esplika pa ni Ate Guy.

Ang isa pa sa pagkakapareho nina Coco at Guy ay ang kanilang mga expressive o mga nangungusap na mga mata. N atalagang nagagamit nila sa mga mahahalagang eksena.

Pabirong banggit naman ng award winning na actress na, “Mas maganda yata ang mata ng anak ko.”

Ngayon pa lang ay marami na ang nag-aabang ng pelikulang Padre de Familia dahil sa inaasahang explosive na performance nina Nora at Coco. Kaya dapat talagang magparamdam ang mga Noranians.

Kat Alano,  umeepal sa Vhong Navarro case?

MARAMING netizens ang nahihiwagaan at naaasar at the same time kay Kat Alano dahil sa mga posts niya sa Facebook at Twitter kamakailan hinggil sa issue ng rape.

Kabilang sa mga post niya ay: “Justice from the universe. Thank you. After 9 years. Karma people. Don’t ever underestimate it. Just be patient. The truth will always come out.”

“I think it’s quite appalling how people are so quick to defend those accused of rape. This is why so many people get raped. This is not the first time people. That’s a fact.”

Dahil dito, naging palaisipan sa marami kung sino ang tinutumbok ni Kat. Pero marami ang ikinonek ito sa pambubugbog at usapin ng rape na involved sina Vhong Navarro, Cedric Lee, a Deniece Cornejo, kahit na wala naman talagang binabanggit na pangalan ang aktres/DJ.

Kabuntot din ng balitang ito, maraming netizens nga ang kinakantiyawan si Kat bilang papansin para magkaroon ng career ulit.  Tinatawag siyang laos ng iba na gusto lamang magkaroon ng libreng publicity.

Anyway, sana ay liwanagin ni Kat ang mga pahayag niyang ito para hindi naman ma-misinterpret ng iba ang kanyang aksiyong ito, kung may pinatataana nga ba siya o nagbibigay lang siya ng opinion sa bagay na ito.

Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …