ni ROLDAN CASTRO
MARAMI kaming nabasang negatibong reaksiyon sa social media simula nang lumabas sa 24 Oras Weekend ng GMA na may nagpa-blotter umano sa Taguig Police na inirereklamo si Vhong Navarro sa ‘pamumuwersa” umano sa isang 22 years old na babae.
Sa rape isyu na ito ni Vhong, ‘wag agad siyang husgahan. May dalawang side ‘yan at may kanya-kanyang version. Hintayin muna natin ang panig ni Vhong at magsalita kung ano talaga ang nangyari.
Sa status ngayon ng nasabing komedyante, sikat at maraming pera feeling namin hindi niya sisirain ang pangalan niya at career sa ganyan, lalo’t may mga anak siya at may mga endorsement.
Bakit naman manggagahasa si Vhong samantalang kayang-kaya niyang ‘bumili’ ng babae kung gugustuhin niya? Ang tipo ni Vhong ‘yung nilalalapitan ng mga girl dahil sikat at ma-appeal kaya hindi namin lubos maisip na magagawa niya ‘yung inaakusa sa kanya.
May mga opinyon din kaming nakalap sa Facebook na sadyang may point naman sa isyung ito.
“Sa estado ngayon ni Vhong, mahirap paniwalaang mang-rape siya dahil ‘di naman ‘yan desperado sa buhay lalo pa sa katulad niya na girls ang naghahabol sa kanya.
“Bilang babae, bakit ka mag-i-invite ng guy sa condo mo nang mag-isa ka, tapos may mga iba pang guys na nakakapasok sa bahay mo na sinasabing tumulong, so contradicting!! get well soon Vhong.
“’Di dapat husgahan agad si Vhong. Maraming babae ngayon na gagawin ang lahat para sa sariling kapakanan.
“Bakit ‘di ilabas mukha niyong babae para ilabas kung mukha s’yang Diyosa at pagnanasaan? At bakit hinihingan ng pera si Vhong ng mga barkada ng boyfriend n’ya kung rape talaga dahilan? Another case of Im a Liar, Im A Liar…
“Sorry guys lets all wait sa parehong panig na magsalita! Ang babae ay simbolo ng magulang natin ‘yan at hindi puwedeng husgahan ng walang due process’ Ito lang din sa akin, kung hindi mo gusto bakit nagpunta ka? Parang sinabi mo na tumalon ka sa mataas na building tatalon ka ba? Ngayon kung nahulog ka sa mataas na galing sa building, ‘di ba dapat doon ka mag-imbestiga?
“Peace and hoping for Vhongs full recovery from this incident.
“Pansinin din dapat ang salaysay ng mga guard ng condo, inabisuhan daw sila ng babae o complainant na darating si Vhong at ang dalawang kaibigan niya, ibig bang sabihin, naset-up si Vhong?
Sabi rin ng movie columnist na si Danny Vivas sa kanyang FB account: ”Hindi ito kapani-paniwala. Ba’t siya mandadahas sa isang lugar na alam ng guards kung sino siya at kung sino ang pinuntahan nya? Tiyak na alam din ng guards kung sino ang mga bumugbog sa kanya. Hindi naman liblib na condo ‘yon. Maglabas kayo ng analysis, please, ‘wag katangahang balita!”
Anyway, sana magkaroon ng linaw ang insidenteng ito para hindi naglalabasan ang kung ano-anong mga espekulasyon. Hindi na kailangang dagdagan pa ng kung ano-anong kuwento na nagpapalala pa ng sitwasyon. Ipagdasal din na maka-recover agad si Vhong at liwanagin niya kung ano talaga ang nangyari sa kanya.
Tsuk!
Yul, enjoy sa mga pagkain ng Kebab Turki
NAKIISA ang actor na si Yul Servo sa first anniversary celebration ng biggest Kebab chain sa buong mundo, ang Kebab Turki. Dumalo siya sa pagdiriwang na ginanap sa Robinsons Place Manila.
Rebelasyon sa amin na mahilig din palang kumain si Yul sa ganitong kainan at tunay na nai-enjoy niya.Tunay nga naman kasing napakasarap ng Middle-Eastern na pagkain na ito na bukod sa napakasarap ay healthy pa. Ang Turki’s flagship product nila ay ang beef at chicken kebab na hinahaluan pa ng sangkap na gulay at kung ano-ano pang recipe na nagpapasarap lalo rito.
Present sa event ang Kebab’s Marketing Executive na si RJ Fabella, Business Consultant and TV and Concert Producer Arleen Lipana, Albert Wang, Indonesian Embassy Minister Counselor R. Toto Waspodo, Embassy Counselor Raveendran Nair, at ang Kebab Turki Baba Rafi President Edmundo Rogando.
Bongga!