Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Netizens, tinalo ang mga pulis sa pag-iimbestiga!

KINILALA ni Vhong Navarro ang gumulpi sa kanya sa isang condominium sa Bonifacio Global City na isang Cedric Lee. Bukod doon, sinasabi niyang may anim o pitong iba pa na magkatulong sa pagbugbog sa kanya habang nakatakip ang mata, may duct tape sa  bibig para hindi siya makasigaw at nakatali ang kanyang kamay at paa.

Natalian daw siya at nalagyan ng blind fold dahil una siyang tinutukan ng baril, tapos inginudngod ang kanyang mukha sa lapag at saka pinagsasapak at tinadyakan. Bukod kay Cedric, walang napangalanan si Vhong sa anim na iba pa maliban sa isang “Mike” na umano ay unang nakikipag-usap sa kanya tungkol sa pagbabayad ng P100,000, na umabot pa umano sa P1-M dahil sa utos ni Cedric bilang bayad pinsala sa “kaibigan” niyang nagbibintang ng rape, na kinilala niya bilang modelo na si Denise Cornejo.

Roon sa mga sinasabing suspects sa pambubugbog sa kanya, na inaakusahan din niya ng extortion at blackmail, dalawa lang ang maliwanag na identified, iyong sina Cedric at Deniece Cornejo. Iyong isang “alias Mike” at ang iba pa ay nananatiling “John Does”.

Mas mabilis ang mga internet user sa kanilang ginagawang imbestigasyon kaysa mga kagawad ng pulisya. Walang nakuha sa pulisya kundi ang blotter na pinirmahan pa ni Vhong, na sinasabi niyang pinirmahan niya dahil sa takot at dahil sa banta sa buhay niya at buhay din ng kanyang mga anak. Nangyari iyon umano matapos ang pambubugbog sa kanya. Maliwanag kung ganoon na hindi siya nagbigay ng statement sa pulisya dahil sa takot, hindi dahil sa hindi siya makapagsalita dahil sa injury kagaya ng unang nasabi ng kanyang manager na si Chito Rono.

Kaya namin sinasabing mas mabilis ang mga internet investigator, nailabas nila agad na iyong babaeng si Deniece ay isa pa lang ad model. May lumabas pang apo siya ng presidente ng GMA Network na si Felipe Gozon, na mabilis namang nai-deny niyon at ng network. Ang basehan naman ay isang post lang ni Deniece na may sinasabing “lolo” at ang nakilala nilang figure ay si Gozon. Hindi kasi nila kilala ang isa pang nasa picture na dating executive rin ng GMA 7 na si Rod Cornejo na baka siyang tinutukoy ni Deniece na “lolo”. Walang kompirmasyon mula kay Rod Cornejo kung siya nga ang “lolo” o hindi ni Deniece.

Mabilis ding nailabas ang picture ng kinilalang si Cedric Lee, na sinasabi nilang nasa construction business, isang mayamang negosyante at ama umano ng anak ni Vina Morales na si Ceana. Sinabi rin nilang may mga insidente na rin ng pagbubugbog na involved ang pangalan ni Cedric, kabilang na ang kaso sa athlete na si David Bunevacks, at isa pa.

Nakahanda naman daw magsalita si Deniece bilang depensa sa kanyang sarili sa sinabi ni Vhong at maaaring maganap iyan any time. Gusto naming hintayin pa ang ibang statements bago kami gumawa ng aming palagay sa issue na iyan.

Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …