Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

The Fort, ‘malas’ sa mga Showtime host (Vhong, lalong namaga ang mukha)

ni Reggee Bonoan

NAGING running joke na sa social media na dapat iwasan ng Showtime hosts ang The Fort dahil tila hindi suwerte sa kanila ang nasabing lugar.

Matatandaang sa The Fort (Prive Luxury Club) naganap noong nakaraang taon ang pananampal ni Anne Curtissa kapwa niya ABS-CBN talent na si John Lloyd Cruz at nakapagsalita ng hindi maganda kay PhoemelaBarranda at ilang kaibigan nito.

At nitong huli ay si Vhong Navarro naman ang na-involve sa isang condo unit sa The Fort na binugbog siya ng anim katao.

Sabi nga sa jokes ng netizens, “sa The Fort nanampal si Anne, sa The Fort binugbog si Vhong, sino at ano kaya susunod na mangyayari? Dapat iwasan ng ‘Showtime’ hosts ang The Fort.”

Oo nga naman.

Speaking of Vhong, nakatsikahan namin si Jugs Jugueta, ang bokalista ng Itchyworms sa ginanap na Ginuman Festival sa Tutuban parking area para sa unang leg ng festival ng Ginebra San Miguel at nabanggit ng kasamahan ng TV host/actor sa Showtime.

Ayon kay Jugs ay dinalaw na raw niya si Vhong sa hospital at talagang magang-maga na raw ngayon ang mukha ng dancer/aktor.

“Mas maga ngayon parang umalsa ‘yung mukha niya, unlike ‘yung nakita ninyo sa news o facebook. Hindi sure kung ooperahan pa kasi parang okay naman yata.

“Nakakapagsalita at nakakakuwentuhan namin si Vhong at nakakatayo naman siya,” kuwento ng singer/TV host.

Sobrang nalungkot si Jugs sa nangyari kay Vhong kaya humihingi rin siya ng panalangin sa lahat ng nanonood ngShowtime.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …