Maraming katanungan im-bes na kasagutan ang hatid ng balitang nagtangka raw mang-rape si Vhong ng 22-year old estudyante kaya siya nabugbog nang todo, ayon daw ito sa police blotter sa Southern Police District sa Bonifacio Global City.
Unang-una, dapat tanungin ang mga pulis, paano nakapirma pa si Vhong sa police blotter kung bugbog-sarado na siya? Baka nga unconscious na si Vhong matapos bugbugin, kaya paano pa siya makapipirma?
Ikalawa, seryosong kaso ang attempted rape, so, bakit sasabihin ng complainant na hindi na siya magsasampa ng kaso? Malabo ito kung totoong may pagtatangkang mang-rape ni Vhong, basta-basta na lang ba napapatawad ang ganoong offense?
Ikatlo, hindi kapani-paniwala na si Vhong ay magtatangkang mang-rape dahil ang mga babae pa mismo ang humahabol sa komedyante. Sisirain ba niya ang kanyang pangalan at career dahil lang sa nasabing babae? At bakit hindi inilagay ang pangalan ng babae sa blotter, 22 years old na iyan, hindi menor de edad kaya nakapagtataka ang ginawa ng mga pulis.
Isa pang nakapagtataka, bakit si Vhong ang nakapirma sa police blotter imbes na ang complainant?
Dapat busisiing mabuti ang insidenteng ito dahil masyadong misteryoso ang mga alegas-yon ng alleged victim. Ang nakikita ko kasi, bugbog sarado si Vhong kaya siya ang agrabyado rito.
Kung aanalisahin, base sa pahayag ng guwardiya ng condo, inabisuhan daw sila ng babaeng nag-imbita kay Vhong na darating siya bandang 10 pm sa kanyang condo, pati na ang da-lawang kaibigan ng babae. Idagdag pa rito ang katanungan na, paano nakapasok sa condo ‘yung dalawang friends ng babae, dahil talagang iniwang bukas ang pinto? Kaya mapapaisip ka talaga na malamang ay na-set-up dito si Vhong.
Hopefully, ang lahat ay hindi mauwi sa network war, base kasi sa nakikita ko ngayon, may mga fan at ilang personalidad na maka-GMA-7 ang binabanatan si Vhong at ang maka-ABS CBN naman ay ipinagtatanggol ang magaling na komedyante. Ang dapat sana, ipagdasal natin na maka-recover na si Vhong very soon at lumabas na ang katotohanan sa insidenteng ito.
Tyrone Oneza, and Balladeer ng Masa
NAPAKINGGAN ko ang ka-buuan ng album ni Tyrone Oneza na pinamagatang Dito Sa ‘King Piling at ang masasabi ko, kung may feel good movie, ito ay isang feel good album. Nakare-relax ka-sing pakinggan ang mga kanta rito at gaya ng sinabi ko noon, obvious ang tatak ni Vehnee Saturno sa album na ito ni Tyrone.
Ang carrier single ng album na Dito sa ‘King Piling at ang bonus track na Christmas song titled Ikaw Ang Christmas Ko ay parehong kom-posiyon ni Vehnee.
Tatlo ang revivals dito, ang Kahit Konting Pagtingin na originally ay kinanta ni Ric Seg-retto, Nanghihinayang ng grupong Jeremiah at Kindred Garden’s Pangako. Actually, apat dapat ang revivals dito dahil originally, ang kantang Sinta ng Aegis ay dapat na kabilang sa album ni Tyrone na duet dapat sila ng discovery niya from Barcelona na si Martina Ona. Pero inaayos pa ito ni Ms. Jackie Catienza, ang manager ni Tyrone na siyang producer din ng album, bukod sa pagiging producer ng iba’t ibang concerts sa abroad.
Anyway, ang maganda sa album, lahat ng kanta rito ay may minus one, kaya sa mga mahihi-lig mag-sing-along, lalo silang mag-e-enjoy sa album ni Tyrone.
Ang mga kanta rito na karamihan ay love songs ay bagay sa boses ni Tyrone. Pagkatapos kong pakinggan ang album, na-feel kong swak na swak sa lahat lalo sa masa ang album ni Tyrone kaya dahil dito puwede siyang bansagang ang Balladeer ng Masa.
No wonder, nang napakinggan ng producer ng album na si Ms. Jackie ang mga kanta ni Tyrone ay napaiyak ang lady executive dahil nasapol daw nang husto ng songs ni Tyrone ang kanyang puso.
Abangan si Tyrone, guest siya sa Tramway Resto and Bar sa Timog, QC on January 29.