Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mariel, ayaw pang mabuntis; Robin, ‘di na nambababae!

About the author

Reggee Bonoan

 
PATUNGONG Europe ang mag-asawang Robin Padilla at Mariel Rodriguez para sa ilang linggong bakasyon sa Pebrero, pero bago sila umalis ay magpo-promote muna sila ng pelikulang Sa Ngalan ng Ama, Ina at mga Anak na mapapanood na sa Enero 29 mula mismo sa RCP Productions na release naman ng Star Cinema.

At dahil dito ay mapapanood sa ilang programa ng ABS-CBN ang mag-asawa para sa promo ng pelikula at nauna na ang interview ni Mariel kay Karen Davila sa ANC at diretsong tinanong ang TV host/actress kung kumusta ang relasyon niya bilang step mother sa mga anak ni Robin sa rati nitong asawang si Liezel Sicangco.

Mabilis na paliwanag ni Mariel, ”they have their mother. I’m just here and there lang.”

Bagamat nakangiti ay halatang hindi type ni Mariel pag-usapan ang tungkol sa nakaraan ng aktor dahil maayos nga naman ang relasyon niya sa mga anak ni Robin.

Natanong din kung kailan nila planong magkaroon ng anak ni Binoe, ”I don’t want to get pregnant, not yet. I’m not ready, physically, mentally, everything.

“So many people are pressuring me. Hindi ko kaya, mamamatay ako. Aso nga wala ako,” esplika ng aktres.

Masaya naman daw sila ni Robin maski walang anak at ginagampanan naman ni Mariel ang papel niya bilang maybahay ng aktor.

In fairness, pagkagising ni Robin ay nakahanda na ang almusal niya at bago umalis ng bahay ay sinisiguro ni Mariel na busog ang asawa at pagdating naman ng bahay ay may nakahanda ring pagkain at lahat ay organic.

“Right now, I’m just really happy with what’s going, I’m not really asking for more. I now have a non-artificial life,” say ni Mrs. Robinhood Padilla.

Samantala, napag-usapan din kung may takot pa rin si Mariel na posibleng mambabae ulit ang asawa dahil nakilala bilang babaero noong kabataan niya.

“It’s still there. Kahit sino naman, fear is always there. You just have to try to have a happy home, happy marriage.

“I guess the fear will always there but he does not give me any reason to doubt that. I think Robin has changed in that aspect. I think he’s at the time of his life that he just wants to settle down already and stick to one, I hope,” say ng aktres.

Sa kabilang banda, maraming nagtatanong kung ano ang project ni Mariel ngayong wala na siya sa TV5 na nauna naming isinulat na posibleng bumalik siya sa ABS-CBN dahil nakita siya rating nakipag-meeting kay Direk Laurenti Dyogi, pero nang tanungin naman namin ang TV host/actress ay nagkumustahan lang daw sila at hindi naman napag-usapan ang project.

Base rin sa pagtatanong namin ay hindi binanggit na makakasama ni Toni Gonzaga si Mariel sa pagbabalik ng Pinoy Big Brother ngayong taon.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …