MARIING itinanggi ni Kuya Kim Atienza na bukod sa hosting ay papasukin na rin niya ang pag-arte, ”wala, wala,” nakangiting sabi ng It’s Showtime co-host.
“Tinanong lang ako ng hypothetical question kung papayag ba ako ng acting project sabi ko, if ever I’ll get into acting, gusto ko hindi kuya Kim.
“Ang dami ko na kasing nilabasang pelikula, puro cameo role, puro Kuya Kim, role ko na naka-sumbrero parati, gusto ko ano, kontrabida, character actor, off beat.
“Medyo parang Joel Torre sa ‘OTJ’ (On the Job), gusto ko iba (role), ayoko ng Kuya Kim, madali ang kuya Kim, ako ‘yun, eh. Gusto ko iba talaga,” say ni TV host.
Samantala, patok ang segment ng Showtime na That’s My Tomboy na talagang pinag-uusapan hanggang sa ibang bansa at ngayon ay I Am PoGay ay tinanong si kuya Kim na tila may ibig sabihin daw ang bagong segment para sa celebrities na hindi makapag-OUT?
Natawa si kuya Kim at sabay sabing, ”may laman, I am PoGay celebrity edition? Hindi puwede ‘yun.”
At ang paliwanag ni kuya Kim, ”ang statement lang ng segment na ‘yun, babae, lalaki, bakla, tomboy ay may talent. So, kailangan lang ilabas ang talent, it’s a showcase of the talent of the pogays, the tomboys, the lalaki and the babae.
“Tapos na roon sa lalaki, tapos na sa babae, tapos na sa grupo, tapos na sa pamilya, lahat ng aspeto ng society, ilalabas, showcase talent.
“It’s not for the station na kailangang maging ganito tayong lahat. Nasa sa ‘yo ‘yun, personal ‘yun.”
Sa kabilang banda, pang-lima na si kuya Kim na gumagamit ng Novu Hair, pero hindi naman kalbo ang TV host, huh.
“Actually, si May, the owner of the product approach me na she wants to get me as endorser daw, so ipinakita ko ang buhok ko, sabi ko, ‘May, hindi naman ako kalbo, eh.’
“Ang sabi sa akin, ‘no, it’s not being kalbo, it’s about explaining the product what is all about, kasi the product is very complex, eh. It’s made of 13 different herbs and all of them is natural working in synergy with each other.
“For sample, malunggay alone is not good as malunggay dapat with aloe vera or malunggay with ginger, so mayroong synergy ‘yung 13 ingredient.
“So sabi ko, ‘May before I endorse it, I want to try it first, so noong ginamit ko, na-realize ko na masarap sa buhok, masarap sa anit and nagagamit ko kasi the key naman not losing hair is preventive, habang healthy pa ang buhok natin, aalagaan mo na. Hindi ‘yung kalbo ka na, at saka mo lalagyan (gamot), kasi mahihirapan na.
“I’ve been using for three months (now), my hair is okay. Ang solusyon ng pagkakalbo ay nasa anit. Masarap ang pakiramdam ng anit ko ngayon, actually before I came, naglagay ako, it’s twice a day, eh,” kuwento ni kuya Kim.
At binanggit din sa amin ni kuya Kim na ang pagsusuot daw ng sombrero ay nakakalbo, ”hindi, kaya sila nagsusumbrero kasi kalbo sila at tinatakpan nila.
“Ang dahilan ng pagiging kalbo ay sa health ng anit mo. Tulad niyan, madalas kang magsumbrero meaning, hindi ka madalas mag-shampoo kasi natatakpan naman.
“Eh, makapal na ang balakubak mo, so ‘yun ang dahilan ng pagiging kalbo, it’s not the hat, it’s the hygiene.
“May causes ng kalbo, number one is stress, number two is genetic. May mga taong determined talagang maging kalbo. Ang papel ng Novu Hair is to prevent, kaya nga preventive, eh,”paliwanag mabuti ni kuya Kim.