Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jef Gaitan, babawasan ang pagpapa-sexy (Dahil sa ABS-CBN Sports+Action)

About the author

James Ty III
KILALA ang dating reality TV contestant na si Jef Gaitan sa pagpapa-seksi sa magasin at sa TV.

Pagkatapos ng kanyang pagsali sa Survivor Philippines sa GMA, naging model si Jef sa mga magasing panlalaki tulad ng FHM at gumawa siya ng ilang mga TV project sa GMA at TV5.

Kamakailan ay isinama si Jef sa Banana Nite ng ABS-CBN na silang tatlo nina Sunshine Garcia at Aiko Climaco ang nagpapa-init sa mga barakong nanonood ng gag show.

Ngayon, isang bagong hamon ang haharapin ni Jef sa kanyang career dahil isinama siya sa bagong sports channel ng ABS-CBN Sports+Action bilang showbiz news anchor sa bagong news program na News+ kasama si Anthony Taberna.

“I auditioned for it nang nagkaroon ng opening and sinuwerte akong kinuha,” wika ni Jef sa launch ng bagong sports channel noong January 16 sa TGI Friday’s sa Makati. “Hanggang ngayon hindi pa nagsi-sink-in sa bago kong trabaho pero supportive si Kuya Anthony sa akin. Since I got the job, nanonood ako sa ibang mga showbiz news program para malaman ko kung ano ang dapat kong gawin.”

Dahil sa pagiging news anchor, sinabi ni Jef na babawasan na niya ang pagpapa-seksi.

“I told FHM na ‘yung cover ko with Aiko and Sunshine will be my last na,” ani Jef. ”ABS is giving me a lot of projects like pagpapatawa and I’m settled with ABS as long as they want me. I’ll still be with ‘Banana Nite’ but I want to explore something na hindi lang katawan ko pero talent ang asset ko.”

Ayon pa kay Jef, excited siya sa bagong sports channel na pumalit sa Studio 23 bilang sister channel ng Dos.

“I love sports and I love watching basketball, lalo na games ng Ginebra. I watched one Ginebra game recently sa MOA Arena at talagang nagustuhan ko. Ginebra fan ako since bata pa ako,” pagtatapos ni Jef.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …