Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Robin, namudmod ng datung sa mga taga-Corregidor

About the author

Pilar Mateo
SUMAMA kami sa Corregidor sa aking Kumareng Rein Escano dahil sa proyektong ginagawa nito na may kinalaman sa travel.

Nabalitaan namin sa ilang tauhan ng Corregidor, na hitik na hitik sa mga kuwento tungkol sa giyera, hanggang sa last Japanese straggler, pati na sa Jabidah Massacre at ilang indie films na ginawa roon gaya ng Babae sa Guho ni Alessandra de Rossi na matapos pala ang Bagong Taon at ang pananalo ni Robin Padilla ng maraming parangal sa MMFF (Metro Manila Film Festival), limang araw silang namalagi roon ng misis na si Mariel (Rodriguez) at kanilang mga pamilya.

Habang ginagalugad at binabalikan namin with Sir George ang ilang istorya sa kasaysayan, masayang naikuwento sa amin ang naging pagbabakasyon doon ni Binoe, Mariel at kanilang pamilya.

Nag-ikot din daw sa buong isla ng Corregidor ang action star at ang ikinagulat ng lahat eh, ang pagiging galante ng noo’y bagong panalong aktor ng 10000 Hours.

Namudmod daw ito sa lahat ng tauhan ng nagsasa-ayos at nagpi-preserve ng kaayusan ng Corregidor ng P1,000 and more!

Hindi lang kasaysayan ng ating lahi ang aking natulikap kundi kasaysayan din ng isang aktor na sobra ang pagmamahal sa kanyang bayan.

Mairerekomenda na namin ang pagtapak ng ating mga kababayan sa Corregidor na puntahan na rin ng mga turista maya’t maya sa pamamagitan ng Sun Cruises!

Pwedeng buong araw lang mag-ikot o balikan at pwede ring mag-overnight. Exciting mag-overnight na punta at galugad sa makasaysayang Malinta Tunnel para sa naiibang ghost hunting.

Ginawa rin kaya ‘yun nina Binoe at buo niyang pamilya?

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …